Chapter 51 Whoever You Are

109 2 0
                                    

CHAPTER 51 💕 Whoever You Are

Babe Sungit:

At 10:00 a.m babe.

Ako:

Okay. I'll see yah!

Ibinaba ko na yung phone ko tapos ay nagpunta ako sa banyo para maghilamos. Kagigising ko lang. At nakatanggap ako ng text mula kay Bryan na, dahil Sabado naman daw ngayon, kami nalang ang pumunta sa bahay nina Ms. Carla para magplano para sa birthday ko.

Nabanggit ko din kasi sa kanya na wish ko makapunta sa bahay nina Ms. Carla. Sabi din ni Bryan, sya na daw bahalang magsabi na papunta kami.

~♥~

"Bye Mommy! Alis na po ako.",sabi ko at kumiss na kay Mommy.

"Ingat ha? And enjoy!",sabi nya.

Naglakad na ako palabas ng bahay. Nandoon na yung kotse ni Bryan.

"Morning babe.",nakangiti nyang bati.

"Good morning!",masigla ko namang bati.

Agad na kaming sumakay sa sasakyan.

"Hai babe! Ano ba yung bahay nina Ms. Carla? Mansion ba yun? Ai malamang. Ilan nga ulit yung anak nila? Tsaka, girl o boy ba yun? Siguro maganda o gwapo yun kasi---"

"Mansion ang bahay nila babe. And they only have one kid. A girl, named Charlotte. Yes the child was indeed pretty. Okay, next question.",sabi nya.

Napanganga nalang ako sa kanya. Loko 'to ah. Pero, nakakatawa dahil mukang hindi nya kinaya kung sunod-sunod akong magtatanong.

"Wala na. Kawawa ka naman eh.",natatawa kong sabi.

Bahagya lang din syang natawa. As usual, ako na naman ang concert diva sa sasakyan ni Brylen Esguerra. Hindi naman sya nabubugnot eh. Sayang-saya pa nga syang pagtawanan yung boses kong napakaganda.

Maya-maya lang, nakarating na din kami sa aba! Mansion nga nina Ms. Carla. Pero, andami nilang sasakyan sa labas.

"May okasyon ata dito Bryan.",sabi ko.

"I don't know. Let's get inside para malaman natin.",sabi nya. Tapos hinawakan nya ako sa kamay at nilead na papasok ng gate.

Lumilibot ang mata ko habang naglalakad kami papasok. Danda-danda nga dito eh.

Pinapasok kami nung yaya nila Ms. Carla. Nilead nya kami sa sala. Kung saan, OMG. Ang daming tao! May mga ilan akong nakikilala pero hindi ko maalala ang mga pangalan.

Napadiin ang hawak ko sa kamay ni Bryan. Ano bang meron? Akala ko planning lang 'to ng debut ko?

"Oh hello there Abby!",sabi ni Ms. Carla na tumayo doon sa mga nakaupo sa sofa.

"Hello po Ms. Carla.",bati ko pabalik.

"Aunt Abby! Hooray!"

Napatingin ako sa pamilyar na boses.

"Bella!",naexcite ko namang sabi nang makita si Bella na patalon-talon na tumatakbo palapit sakin.

"Hi aunt Abby!",bati naman ni Brix na agad ding lumapit sakin at kumiss tulad ng ginawa ni Bella.

"Who is she Brix, Bella?",sabi nung isang lalaki doon sa...ai hala. Andami palang bata dito.

"She's uncle Brylen's girl. Aunt Abby!",sabi ni Bella.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon