CHAPTER 6 💕 Epic Plan
Brylen's POV
Ayos. Sabi ni ate Lena, naoffend ko daw yung kapatid ni Seamus. Siguro naman iiwas na sya diba? Damn that weird, stupid girl. Nakakatakot sya. Kapatid ba talaga yun ni Seamus?
Yesterday, nakakainis dahil napagkamalan pa sya nina dad, kuya, ni ate Lena, pati na yung kambal na girlfriend ko. Like hell! Di ko pagtyatyagaan yun noh. Para syang may sayad. Imagine? She is damn talking to herself.
Nakakainis pa dahil ang ingay-ingay nya. Napakataray pa at napakareklamador. O ako lang talaga? Syempre sya. Sus!
I'm on my way to school now. Sabi ni ate Lena, I better say sorry to Seamus' sister 'cause what I've said was really offending. Tss. Eh sinadya ko naman talagang sabihin yun eh. I just don't like her. Too annoying.
Sinong tinakot ni sir na bagsak ng isa, bagsak ng magpartner? He's crazy. Tsaka, okay lang din. Pasa naman ng isa, pasa lang ng isa. Kaya kung babagsak man yung kapatid ni Seamus, babawiin ko nalang sa iba. Bahala sya. Hindi ko rin habit na magturo. Lalo pa sa nakakainis na babae. Naah.
Nang mapark ko na yung car, I went down immediately. Naabutan ko na ang tropa agad.
"O ayan na pala si Brylen eh.",sabi ni Koden.
"Galing pala sa inyo kahapon si Abby.",sabi ni Seamus.
"Oo, bakit?"
"Wala. Ewan ko ba dun. Matamlay pag-uwi eh.",sabi nya.
"Baka naman may ginawa si Brylen.",sabi ni Chanz na mukang inaantok na naman.
"Wala akong ginawa dun ah.",sabi ko.
Yung muka ni Seamus mukang alalang-alala. Patay ako nito kapag nalaman nya na pinahiya ko yung kapatid nya. Pero hindi naman siguro nagsusumbong yun noh? Ano sya bata?
"Sigurado ka?",sahi ni Dean.
"Yes.",sabi ko.
"Sus. Nevermind. Tara na.",sabi ni Seamus.
Sumunod nalang kami. Bakit masyado naman atang affected yung babae na yun? Wala pa nga yung mga sinabi ko sa kanya sa sinasabi ko sa mga bitch na lumalapit sakin eh. Sensitive pala yun. Akala ko naman kung sinong matapang at palaban. Paano naman kasi, kada hirit ko, sasagutin. Kaya ako naiinis lalo eh.
Pagpasok ko sa classroom ko, naabutan ko yung weird na kapatid ni Seamus dun sa usual pwesto ko sa likod. At parang engot pa na nakatingala sa kisame at may binubulong-bulong. Seriously? Hindi ba nya alam na may mga nanunuod sa kanya?
"Hoy.",tawag ko.
Agad syang napatingin sakin. Her eyes are wide.
"Hi! Good morning.",sabi nya.
O akala ko ba matamlay? Ganito na pala ang matamlay sa kanya.
"That's my seat. Alis."
"Pero nakaupo na ako.",sabi nya.
"So?"
"Hindi ako pwedeng umalis."
Nakatingin na samin yung mga isa't kalahati ko ring saltiking mga kaklase. Kung hindi lang 'to kapatid ni Seamus, kanina ko pa 'tong kinaladkad.
"May ibibigay ako sayo.",sabi nya.
Tinignan ko lang sya.
"Sabihin mo 'ano'."
'San ba pinaglihi 'tong babae na'to?
"Hui!"
Pinanliitan ko sya ng mata. Kaso tinignan nya pa ako ng nakangiti. Hanep! Pinanood ko nalang sya habang may inilalabas syang tupperware. Tapos nilagay nya yun sa table.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Novela JuvenilBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...