Epilogue
~♥~Nagising ako kinabukasan sa bisig ni Bryan. Sa ilalim ng kumot katabi ang mainit na katawan ni Bryan.
Mabagal ang paghinga nya habang nakasubsob sa leeg ko. Nakabalot ang braso nya sa bewang ko. Para akong biglang nakiliti sa pagkakadikit nun sa mismong balat ko.
Napakagat ako sa labi at marahang itinaas iyong kumot. Napalunok ako nang mapagtanto na hindi nga panaginip yung mga nangyari kagabi.
Napasilip ako sa gilid ng kama. Nandoon yung dress ko. Lahat-lahat ng suot ko kagabi. Lalo akong napalunok. I surrendered. I surrendered to Brylen Esguerra.
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay nya na nakalawlaw sa gilid ng bewang ko. Marahan kong pinaglaruan ang mahahaba noong daliri.
Napabaling ang ulo ko sa kanya nang maramdaman syang gumalaw at madinig syang umungot.
Napangiti ako sa itsura nya. Bagong gising pero napakagwapo pa din. Napangiti din sya nang makita ako. Hinila nya ako palapit pa sa kanya.
"Good morning.",bati ko.
"Hmm. Good morning.",ungot nya sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagngiti nya. "You know what babe? I could wake up like this forever."
Hindi ko napigilang mapangiti pa ulit.
"What do you mean?",sabi ko.
Ngumiti sya at hinaplos ako sa pisngi.
"Remember what your brother said? Kapag may nangyari, may bunga o wala, pakakasalan kita.",sabi nya.
Napakagat ako sa labi at pinigilan ang mga luha ko. Napakababaw talaga ng mga luha ko. Yun pa nga lang ang sinasabi eh maiiyak na ata ako.
"Are you saying..."
Ngumiti sya ulit at marahang tumango.
"I will marry you. Keep my word Abby. 'Pag uwi na pag uwi natin ng Manila, you'll gonna be my own Mrs. Esguerra."
Napangiti din ako habang patuloy na sa pagbuhos ang mga luha ko.
"Abbielyn Conell, please say yes.",sabi nya.
Bahagya akong napatawa at bahagya syang nahampas sa dibdib.
"Honeymoon bago kasal. Panes ka talaga.",sabi ko at napayakap nalang sa kanya. "Oo naman noh. Syempre yes ako."
Narinig ko ang chuckle nya. He hugged me tight and kiss the top of my head.
"Thank you.",bulong nya.
Napangiti ako sa dibdib nya at pilit na pinantayan ang higpit ng yakap nya.
Nanatali lang kami ni Bryan sa loob ng suite maghapon. Naghihintay ng tawag. Umorder nalang kami ng ibaba ng agahan at panaghalian.
Natapos na ang pananghalian namin ay wala pa ding update tungkol sa mga nangyayari. Pero parehas kaming halos mapatalon ni Bryan nang sa wakas eh tumunog ang phone nya.
"Ellia.",sagot ni Bryan.
"Pakinig.",sabi ko.
Iniloud speaker ni Bryan yung phone.
"Brylen. Everybody thinks na nagtanan nga kayo. But no one knows, kung nasaan kayo. I am the only one who has contact with you and nobody knows this either. But Brylen I swear. I never thought ganito nakakatakot na magtago ng ganito kalaking secret.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Подростковая литератураBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...