CHAPTER 32 💕 Surigao, Here I Come!
Abby's POV
"Babe! Bukas na talaga exam? Seryoso ba yun?",sabi ko sabay subsob doon sa book ko na binabasa.
Narinig ko syang tumawa. Nang tignan ko sya, nakahalumbaba sya at nakatingin sakin.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?",sabi ko.
"You are making this really serious huh?",sabi nya.
Umayos ako ng upo.
"Aba syempre naman noh! Surigao ang nakataya dito. Hindi ako pwedeng magkaline of 7.",sabi ko naman.
"We'll see about that.",sabi nya.
"Talaga!",sabi ko sabay taas na ulit nung book ko.
Seryosong- seryoso akong nagbabasa nung book nang maramdaman na may kumakalikot sa buhok ko.
Nilalangaw na yata ako. Napakunot ang noo ko at tinaboy yun. Pero tutok pa din ako sa book.
Ilang saglit lang, andun na naman yung langaw. Tinaboy-taboy ko ulit yun pero ayaw pa din maalis.
Nang lingunin ko yun, letse natagpuan ko si Bryan na tatawa-tawa habang may hawak na damo. Andito kasi kami sa graden sa mansion nila kaya malamang binunot nya yun somewhere. Yun pala yung ikinikiskis nya sa pisngi at buhok ko!
"Babe naman eh!",sabi ko sabay kuha nung hawak nyang damo at hagis nun somewhere.
Tumawa sya at sinundot ako sa pisngi.
"Ang kulit ah.",sabi ko sabay tingin na ulit sa book ko.
"Aw... My girlfriend is so serious. Nakakapanibago naman.",sabi nya.
"Eh kasi naman kailangan nya eh. Baka hindi pa sila matuloy ng boyfriend nya sa Surigao. Ang ganda pa naman dun.",sabi ko naman habang nakatuon atensyon sa book.
Nagchuckle sya at hinawakan yung taas nung book ko at ibinaba yun. Nilingon ko sya. Nakaharap sya sakin at nakangiti.
"You look cute when you're serious.",sabi nya.
Inirapan ko sya at pinitik sa ilong.
"Aw!",sabi nya sabay hawak dun.
Tinawanan ko lang sya.
Tinanggal naman nya yung book na nakapatong sa lap ko at nahiga doon sa damuhan. Umunan sya sa lap ko. Wow. Ang init ng ulo nya.
"Ganyan ba ang mahal? Nananakit.",sabi nya habang nakatingala sakin.
"O sorry na. Kawawa ka naman.",sabi ko habang hinahaplos yung ilong nya. Nakakainggit naman. Ang perfect.
Napangiti sya at kinuha yung kamay ko sa ilong nya at sinalikop yun sa kamay nya. Ipinatong nya yun pagkatapos sa tyan nya. Tapos pumikit sya. Grabe naglalambing ba sya? Pero yung tyan nya...Nadidistract ako sa tyan nya!
Hindi ako nagsalita at napangiti nalang. Sabi nya, ayaw nyang pinapakealaman yung buhok nya. Pero kasi naaakit ako sa buhok nya eh. Parang ang lambot.
"Uhm...Babe, pwede ko bang hawakan yung buhok mo?",sabi ko.
Nagmulat sya at tinignan ako.
"Why?",sabi nya.
"W-Wala naman. Kasi...gusto ko lang?"
Bahagyang kumunot ang noo nya. Hindi ko naman napigilang mapasad face. Eh kasi naman gusto ko lang itry hawakan.
"No problem.",sabi nya.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Teen FictionBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...