CHAPTER 27 💕 Stolen Shot from Babe
Walang nagsalita sa amin ni Bryan hanggang sa makarating na kami sa bahay namin. Ayoko naman kasi na kapag magsalita pa ako, iopen nya yung nangyari kanina.
Hindi ko din alam kung paano pa ako magsasalita sa dinaramdam ko. Bakit naman kasi ganun yung Lola nya. Heartbreaker.
Huminto na ang sasakyan ni Bryan sa tapat ng bahay namin. Pero hindi pa din sya bumababa para pagbuksan ko ng pinto. Kaya nagsalita na ako.
"Papasok na ako.",sabi ko.
"No Abby. Wait. We need to talk.",sabi nya.
"Bryan, inaantok na ako eh. Pwede bukas nalang?",sabi ko.
Bukas nalang para sakaling yung pag-iyak ko yung gusto nyang pag-usapan, makakaisip ako ng madaming palusot.
"Abby please.",sabi nya.
Nanahimik nalang ako.
"Si Grandma ba?",sabi nya.
Napalingon ako sa kanya.
"Ang alin?",maang-maangan kong tanong.
"Abby, I know you know what I mean. Si Grandma ba yung dahilan ng pag-iyak mo? Alam kong may sinabi sya. O ginawa. And I wanted to know what it is. Hindi ako papayag na isantabi nalang 'to.",sabi nya.
Napakagat ako sa labi. Should I tell him? Ayoko na magkagalit pa sila ng Grandma nya.
"Wala naman yun. OA lang ako. Wag mo nalang intindihin.",sabi ko.
"No. Please Abby, tell me. Lahat.",sabi nya.
Nag-iwas ako ng tingin. "Papasok na ako."
Hinawakan ko yung lock nung pinto ng kotse at mabilis nang lumabas ng kotse nya.
"Abby!",tawag nya kasabay ng pagsunod sakin palabas.
Pinipigilan ko na wag maiyak sa pag-alala sa pinagsasabi nung Lola nya.
"Abby naman eh. I'm pleading. Please talk. I don't want you like this!",sabi nya kasabay ng paghawak sa braso ko.
Hindi pa din ako makatingin sa kanya. Naguguluhan na ako. Ano bang gagawin ko? Susundin ko ba yung Lola nya? Hihiwalayan ko nalang ba si Bryan kasi sinabi nya? Kasi ayaw nya sakin?
Pero ayoko naman eh. Mahal ko si Bryan. Hindi ako papayag na basta nalang syang hiwalayan dahil lang sinabi ng Lola nya.
"What did she say?",sabi ni Bryan.
Naiyak na ako pero pigil-emosyon pa din syang hinarap.
"Sinabi nya na hindi nya ako gusto para sayo. Sinabi nya, na mas marami pang babae dyan na mas better at mas deserving para sayo. Sinabi nya na habang maaga pa, lumayo na ako para mas madaling magmove-on. Kasi darating yung araw na magbabago din naman yung nararamdaman mo sakin. Kasi hindi pa naman tayo sigurado. Hindi natin alam ang true love."
Nag-igting bigla ang bagang nya, at napansin ko ang pagyukom ng mga palad nya.
"Makikinig ka ba sa kanya?",sabi nya.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Abby makikinig ka ba sa kanya?",ulit nya, pero mas mariin.
"Hindi ko alam.",halos pabulong ko nang sabi.
"Please don't.",sabi nya.
Nilingon ko sya.
"Bryan dalawang linggo palang tayo pero ganito na. Kaya paano kung tumagal pa? Ayoko na masira kayo ng Lola mo nang dahil sakin. Pamilya mo yun eh.",sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Teen FictionBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...