CHAPTER 30 💕 Bryan's Gift
"'Nak!"
Mula sa mga platong hinuhugasan ko, napatingin ako kay Mommy.
"Iwan mo na yan dyan. Staff na ang bahala. Andun na si Bryan sa labas."
"Po?",sabi ko habang pinupunasan na yung mga kamay ko. "Sige My."
"Okay. Nandun na yung food nyo. Napahanda ko na.",sabi ni Mommy.
"Ai thanks Mommy kong maganda!",sabi ko sabay kiss sa pisngi nya.
Tapos ay naglakad na ako palabas ng kusina ng resto namin.
Medyo malaking resto 'to kaya mga business personalities, mga rich ang kumakain. Pero trip ko ipaghugas sila ng plato kapag Linggo. Gusto ko din kasi nakakasama si Mommy.
Sinusuklay ko ng kamay yung buhok ko habang naglalakad ako palabas. Tinaggal ko yung apron ko at pinunasan yung muka ko.
Hinanap ko agad kung saang table si Bryan. Sa di kalayuan, sa may gilid, nakita ko sya na may binabasang libro. May hawak din syang ballpen.
Napangiti ako at lumapit sa kanya.
"Busy?",sabi ko sabay kiss sa sentido nya bago maupo.
Nilingon nya ako habang may nabubuong smile sa lips nya.
"Nah. Just having an overview about the next topic.",sabi nya.
Tinitigan nya ako.
"Argh. Sorry amoy kusina ako. Muka pa akong sabog. Hassel sa loob eh.",sabi ko.
Nagchuckle sya at nailing-iling.
"You look wonderful.",sabi nya.
Napakunot ang noo ko.
"Wonderful?",ulit ko.
"And smell wonderful.",sabi pa nya.
"Babe hindi ko magets.",sabi ko.
Nagshrugg lang sya. Di ko na rin tinanong dahil muka namang wala syang balak sabihin.
"Kain na muna tayo?",sabi nya.
"Okay! Nagugutom na rin ako eh.",sabi ko sabay dampot na ng kutsara at tinidor.
Natuwa naman ako ng todo nang makitang seafoods yung nakahain.
"Lobster!",sabi ko at agad yung kinuritan.
Natawa lang si Bryan at sinabayan akong kumain habang nagkukwentuhan at nagtatanungan kami about Math formulas.
"Babe how's your Science project?",naitanong nya bigla.
Ewan pero ang bigla ko nalang naalala ay yung ginawang pag-amin sakin ni Jester. Dapat ko ba yung sabihin sa kanya?
Eh! Baka naman magkagulo lang. Eh pero ayoko namang magsecret sa kanya!
Pero sa bagay. Kahit naman sabihin ko, alam na din naman nya. Aminin ko nalang kesa sa iba nya pa malaman diba?
"Okay ka lang?",sabi nya.
Napabuntong-hininga ako.
"May sasabihin ako babe. Pero...promise mo hindi ka magagalit.",sabi ko.
Napakunot ang noo nya. O kita mo wala pa akong sinasabi nakakunot na ang noo nya.
"Babe naman eh!",sabi ko sabay takip ng palad sa noo nya. "Wag mo yang ipakita sakin!"
Napanguso sya at tinanggal yung kamay ko sa noo nya.
"Ano ba kasi yun?",sabi nya.
Napansin ko na mukang pinipilit nya talagang na wag magkunot ng noo. Titig na titig sya sakin. Natatawa ako sa kanya. Mapagtripan nga muna.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Teen FictionBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...