CHAPTER 49 💕 The Truth Behind the Lies
Inakay ako ni Bryan pababa ng sasakyan. Tapos nakakapit ako sa forearm nya habang naglalakad kami papasok ng resto. Wow. Five star nga 'to.
Pinagtitinginan kami ng mga kumakain sa loob. Hala. Tapos yung mga staffs. Huhulaan ko kung bakit?
Ano pa?! Edi dahil etong kasama ko, isa lang naman sa pwedeng magmana ng lugar na tinutungtungan naming lahat! Anak ng tinapa naman eh!
Diretso lang kaming naglakad ni Bryan. Hanggang sa maya-maya lang, nagpunta kami doon sa garden. Kung saan, wow! Ang dami-daming ilaw! Ang dami-daming flowers!
Sa gitna, may bilog na table na gold, tapos may dalawang upuan. Tapos may candlelight.
"Wow babe. Romantic ka nga.",sabi ko.
Napangiti sya tapos smirk.
"Sa inyo 'to noh?",sabi ko habang nakatingin doon sa paligid.
Humila si Bryan ng upuan at sinenyasan akong maupo. Naupo naman ako kaagad.
"This place?",sabi nya habang umuupo.
"Property 'to ng Gonzales Company, family nina ate Lena. Tsaka ng Esguerra Estate Corp. Company ng family namin. Share, kung baga."Tumango-tango ako.
"Ang ganda naman dito.",sabi ko.
"Well, this is just a part. The main of Luna Mariposa is originally on Marinduque Island.",sabi nya.
"Grabe. Ang layo naman.",sabi ko.
"Do you also know how tragic building that place is?",sabi nya pa.
"Sige babe kwento mo. Pero, pwede bang habang kumakain tayo?",sabi ko.
"Brilliant idea.",sabi nya.
Pinatawag ni Bryan yung mga waiter. Tapos dinala na nila yung mga pagkain. Nang mailapag yun, excited ko naman yung kinain. Salmon!
"Sige babe. Game!",sabi ko.
Napangiti sya.
"Okay. Well, Luna Mariposa was originally engineered by, Engr. Bryle Esguerra..."
"Teka. Teka. Si kuya mo?",hindi makapaniwala kong sabi.
"No other than.",sabi nya.
"Wow.",react ko.
"Well not just kuya. It's enterior designer and head, was Ms. Selena Bartolome, Mrs. Selena Esgrerra now."
"Si ate Lena? O eh dun sila nagkadevelopan noh?",sabi ko.
"Yun ang naging dahilan para muli silang mahulog sa isa't isa.",sabi nya.
"Ui... Sige pa kwento ka pa.",sabi ko.
"There. Well, hindi pa dun natapos yung storya. Because on the day when they have to come back here in Manila, sumabog ang Don Pierre ship. Yung ship na sinasakyan nila nun."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi nga? Buti nakaligtas sila.",sabi ko.
"And do you know how?",nangingiti nyang sabi.
"Paano? Bilis!",atat kong sabi sabay tuhog nung salmon ko.
"Well, itinali ni kuya Bryle sa katawan nya si ate Lena, then, tumalon sya ng ship bago yun sumabog. Kaya nang madali si kuya ng alon sa isang deserted island, kasama si ate Lena. Sila lang dalawa. Stranded it is.",sabi nya.
"Hala. Nastranded sila sa isang isla na sila lang magkasama? Grabe babe ang sweet nun!",sabi ko sabay hampas pa sa table.
Napakunot ang noo nya.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Fiksi RemajaBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...