CHAPTER 24 💕Brylen's Guilt (For What?)
"Isa pa Bryan. Last na talaga! Hindi ko pa rin magets eh."
Napakamot sya sa ulo at sa ika-tatlong pagkakataon ay ipinaliwanag sakin kung paano nakuha yung sagot sa lecheng Calculus equation na ibinigay ni sir kanina.
Tutok na tutok naman ako sa ipinapaliwanag nya. Eh may exams na kami next week! Pakiramdam ko wala pa rin akong nagigets sa mga tinuro ni sir. Kapag bumagsak ako, babagsak din si Bryan. Nakakahiya naman yun diba?
Kaya nandito kami sa isang café ngayon. Oo nag-aaral kami! Kasi kailangan. Pero kung hindi, baka nakipagdaldalan nalang ako sa kanya. Sakit kaya sa ulo nitong ginagawa namin.
"So that's it. It's just that easy.",sabi nya.
Napangiwi ako at napakamot sa ulo. Ako na talaga! Ako na ang mahina ang kukote sa Math!
"You try.",sabi nya. Tapos nagsulat sya ng equation sa papel at iniabot yun sakin.
"Try. Sige.",tumatango kong sabi at kinuha yung iniabot nyang ballpen.
Nanliliit na ang mga mata ko at gigil na gigil na ako doon sa ballpen. Nakakahiya kay Bryan kung hindi ko 'to masasagot.
Natapos ko yung unang part. Kaso nung pahuli na...
Nilingon ko si Bryan na nakatingin doon sa papel na sinusulatan ko habang umiinom nung kape nya. Nakaside view sya sakin at may clear view ako ng matangos nyang ilong at isang part ng makinis nyang pisngi. Tinignan nya ako nang mapansin sigurong huminto ako.
Binitawan nung lips nya yung straw nung iniinom nya. At para naman akong tanga na hindi maalis ang titig doon. Wow.
"Abby."
Napaubo ako at agad na nag-iwas ng tingin doon, at tumingin sa muka nya.
"Ha?"
"Why'd you stop answering? Tama naman yung ginagawa mo.",sabi nya.
Unti-unti akong napangiti sa sinabi nya.
"Talaga? Tama talaga?",sabi ko.
Tinignan nya pa yun ulit, bago sya marahang tumango.
"Eh Sungit...nakalimutan ko yung sunod.",sabi ko.
Tinignan nya ako, tapos napabuntong-hininga sya.
"Galit ka na ba?",halos pabulong ko nang sabi.
Alam ko na ayaw nya ng paulit-ulit. Kaso hindi ko talaga magets. Sorry naman sa maliit kong brain part para sa Math.
"Abby, I'm not mad. It's just that..."
Napatungo ako at napakagat sa labi. Yeah. It's just that...ambobo ko.
Narinig ko na naman syang bumuntong-hininga.
"Okay Abby. Look at here. Ituturo ko na ulit.",sabi nya.
Tumunghay ako at tinignan sya.
"O-Okay lang. Ako nang bahala.",sabi ko.
"Panget just listen, okay? Madali lang 'to. You can do this.",sabi nya.
Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi nya. Panget. Hahaha. Tsaka I can do this daw.
Nakangiti ko syang tinignan, tapos ay tumango-tango ako. Kinuha ko yung kape ko at uminom, habang maiging nakikinig sa kanya.
Kaso ewan ko na naman. Napatingin na naman ako sa kanya. Paano kasi ang lapit nya sakin. Amoy na amoy ko yung bango nya. Tapos yung pisngi nya...ang kinis-kinis. Bakit hindi yata sya tinitigyawat? Hindi ba sya dumaan sa puberty? Hai. Gwapong 'to hindi pa tinatamaan ng puberty?
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Teen FictionBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...