Chapter 43 Ice Cream Date

71 1 0
                                    

CHAPTER 43 💕 Ice Cream Date

Brylen's POV

"Aw! Charlotte stop it!",sabi ko habang hinuhuli yung mabigat na kamay nung four year old na anak ni kuya Calvin na kanina pang hinahampas yung injured kong tuhod.

Nandito si kuya Calvin sa bahay kasama si kuya. Ano pa? Binibisita lang daw ako.

"Bella aray!"

Dumagdag pa si Bella na mas mabigat ang kamay. Hindi hampas yung kanya eh. Suntok!

Binisbisita nila ako! Pero imbis na matuwa ako at gumaling, pinapalala lang nila dahil ng mga anak nilang talagang dinala pa nila para yata itorture ako.

Tumayo ako at lumayo sa kanila. Kaso yung dalawang bata, hinabol ako! What the hell.

"Kuya Bryle, kuya Calvin!"

Nagtawanan sila at tinawag yung mga prinsesa nila. Grabe. Kung kelan gumagaling na ako tsaka pa ako palalalain.

"Tay, Uncle Brylen's knee sounds like coconut.",sabi ni Bella na ngingisi-ngisi pa. Tumango-tango naman si Charlotte.

"Coconut? Seriously?",sabi ko habang hinihimas yun. Papapagain na naman eh.

"Makakalaro ka na ba bukas?",sabi ni kuya Calvin.

"Yeah. That's for sure.",sabi ko.

"Maipapanalo mo kaya?",sabi ni kuya.

"Nagdududa ka ba ba sa kakayahan ko kuya? I'm the captain."

Nag-'tss' sila. Inggitero si kuya. Palibhasa lipas na sya eh.

"Charlotte, tara laro tayo sa labas!",sabi ni Bella.

"Sige! Papa, can I?",sabi ni Charlotte kay kuya Calvin.

"Okay. But be careful.",sabi ni kuya Calvin.

Si kuya Bryle, pinatawag pa yung isa sa mga yaya namin para magbantay. Protektadong-protektado ang anak eh.

Nagkwentuhan kami tungkol sa tournament at sa kung saan-saan pa.

"Anyway Bryle, we have to go. C.A. needs her princess na daw. Mukang magiging busy yun next week. She wants to bond.",sabi ni kuya Calvin.

"Why? The usual?",sabi ni kuya.

"Yeah. Debut, this time. Kung hindi ako nagkakamali, it's a Conell debut."

And this got my attention.

"Conell debut?",I asked.

"Yeah...Well it was Abbielyn Conell, I think."

Napatingin sakin si kuya. Si Abby? My girlfriend? Really? Shit! Bakit hindi ko manlang alam?!

"Brylen's girlfriend.",sabi ni kuya.

"Really Brylen?",sabi ni kuya Calvin.

I just nodded.

Hindi ko na tinanong kung kelan dahil mapapahiya lang ako. Fuck! Birthday ng girlfriend ko, hindi ko alam?

"So I suppose, you'll be the escort.",sabi nya.

"Of course. Hindi naman ako papayag na iba noh.",I said, bago ko pa mapigilan.

Tumawa sila ni kuya.

"Oo nga naman.",sabi nya.

Magdidebut na si babe? Akalain mo nga naman. Magiging adult na sya. Kaso kung kumilos akala mo nasa puberty stage lang. Pero okay lang, kasi ang cute nya.

But shit. I remembered what happened just moment ago. I just...God. Muntik na. Nawala ako sa kontrol. And thank god nagawa nya akong pigilan at nagawa kong magpigil.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon