CHAPTER 7 💕 First Chat Convo
Nandito ako sa kwarto ko sa bahay. Wala pa rin si kuya. Sinabihan ko sya kanina na sabihin kay Bryan na gagawa kami ng assignment sa Sabado. Kaso nalimutan naman ata nun. Wala talaga akong tiwala sa memory ni kuya. Alam lang nya mambabae. Manang-mana sya kay Daddy.
Si Mommy wala pa rin. Baka nasa trabaho pa yun. Sa restaurant namin malamang. Mag-isa lang tuloy ako dito. Si Manang lang kasama ko. Nakakaani dahil mag-isa lang ako kumain. Di tuloy ako nag-enjoy masyado.
Nakahiga lang ako dito, tinititigan yung mga picture ni Bryan sa phone ko na ninakaw ko sa phone ni kuya. May ilan kasi silang picture doon. Sisave ko sya sa phone ko tas ikacrop ko. Pero madalas facebook nya. Ang ganda nya ngumiti nyeta.
Nasaan na ba yun si kuya at walang kakwenta-kwenta utusan? Siguro nakikipag-inuman na naman yun o kaya nasa babae nya. Susmiyo!
Nagbukas ako ng Facebook. Bulok na ata 'tong account ko eh. Pagkakita ko, andaming notifications. Saan? Sa fans page ni Bryan. Hahaha. Kasali kaya ako dun. Diba ang galing ko?
Hindi naman ako palapost. Taga-like at taga scroll lang ako. Yung friend request ko kay Bryan, mag-aapat na taon na yata yun hindi pa rin ako inaaccept. Grabe diba? Palibhasa famous kung makapangsnob.
Sinearch ko ang pangalan nya. At aba! Online sya. Maitanong nga kung kasama nya si kuya. Hindi naman nagrereply si kuya eh. Tss. As if naman magrereply 'to si Bryan? Pero okay lang. There's no harm in trying naman.
Abbielyn Conell:
Hi! 👋Kasama mo si kuya?
Mabilis ko nakitang naseen nya.
Bryan Esguerra:
Nagavgzb Kfbmagavkh
Abbielyn Conell:
Ano?
Pinagtitripan ba ako nun? Anong lenggwahe naman yun aber? Pero umasa ako! Umasa ako na magrereply sya ulit! Pero sineen lang nya ako. Hanep! Pagkatapos akong replayan ng kaewanan sineen lang ako!
Abbielyn Conell:
Magreply ka naman. Sungit! 😒
Tinitigan ko ang phone ko at naghintay pa. Kaso ang tagal naman. Sineen na naman ako. Ang kapal ng muka! Akala mo titigilan kita?
Abbielyn Conell:
Bryan!
Bryan!
Hoi Bryan!
Bryan magreply ka!
Bryan Esguerra!
Bryan! Bryan! Bryan!
Bryan!
Bryaaaaaaan!
Bryan Esguerra:
WTF is wrong with you?
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Teen FictionBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...