CHAPTER 38 Sleepless Babe
Abby's POV
Nang makabihis na ako ng bagong uniform, lumabas na ako sa girl's bathroom. Sa labas, hinintay ko si Bryan na naliligo din, doon naman sa panlalaki. Of course! Aangan namang magsabay kami?
Grabe talaga yung ginawa nya kanina. Yung muka nya, yung aura nya, halatang nanggagalaiti. Nakakatakot.
Kaya naawa talaga ako kay Bethany. Oo maldita sya at masarap basagan ng bungo pero, babae pa rin kasi sya eh. Sensitive pa din sya emotionally. Dama ko din sya. Kaya, hindi talaga ako natywa sa ginawa ni Bryan.
Pero either way, nagpapasalamat ako sa pagtatanggol ng dakila kong boyfriend.
Maya-maya lang, lumabas na din si babe doon sa banyo. Ang bango nya, grabe. Nakapalit na sya. Panglaro ulit.
"Let's go?",sabi nya. Tumango naman ako.
Kinuha nya yung paper bag na pinaglagyan ko ng madumi kong uniform at sinabayan na akong maglakad.
"Hala babe! Kailangan ko nang umalis! Malelate na ako sa Science class. Sige na. Bye!",sabi ko at patakbo na sana nang hilahin naman nya ako sa coat.
"O bakit?",sabi ko.
"Hindi ka pa kumakain.",sabi nya.
"Hindi na kailangan. Hindi naman ako gutom eh."
Napakunot ang noo nya.
"Babe naman. Sige na alis na ako.",sabi ko habang tinatanggal yung kamay nya sa coat ko.
"Hindi pwede.",sabi nya. Tapos hinawakan nya yung kamay ko, tsaka sya naglakad.
"Babe naman! Huy!",sabi ko.
"Babe alam ko ayaw mo malate, but alam ko din na nagugutom ka na. Ako nang bahala sa teacher natin. Kakain ka."
"Babe mamaya nalang.",sabi ko.
"No."
"Bryan..."
Nilingon nya ako.
"Please? Alis na ako.",sabi ko.
Tinitigan nya ako. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Tapos napabuntong-hininga sya.
"Okay. If that's what you want. Pero sasabayan kita mamayang lunch. Sige na.",sabi nya. Tapos hinaplos nya ako sa ulo at bahagyang itinulak palapit sa labi nya. Kiniss nya ako sa noo.
Ramdam ko na naman ang tingin ng mga umaaligid na estudyante. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Thanks. Tsaka babe, ikaw na din maglagay nyan sa locker ko ah!",sabi ko sabay patong nung susi ng locker ko sa palad nya. Tinutukoy ko yung paper bag ko na may maduming damit. "Salamat ulit. Mahal kita."
Tapos ay nagtatakbo na ako papunta sa classroom namin. Pagdating ko dun, wala pa naman si Mam. Pero yung mga classmates ko, kung makatingin wagas. Wala namang nagsasalita. Malamang. Si Brylen Esguerra ba naman magbanta.
Tahimik nalang akong naupo sa pwesto ko. Muka pang tae. Suot ko pa pala yung relo ni Bryan. Paano kasi nung naligo sya hinubad nya muna at pinahawak sakin. Sinuot ko naman. Tapos nakalimutan kong ibalik.
Yung mata ng mga kaklase ko, patingin-tingin pa dun sa relo. Mga baliw naman! Ngayon lang ba sila nakakita ng relo?
Nang dumating si Mam, tahimik nalang din akong nakinig sa lessons. Mabuti nalang talaga di ko kaklase yung bitch na Bitchany na yun. Baka napatay na ako nun sa sama ng tingin.
Makalipas ang dalawang oras na Science class, oras na para sa lunch namin. Kinuha ko na yung bag ko at naglakad palabas. Nasan na yun si Bryan? Sabi nya sabay kami ah.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Roman pour AdolescentsBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...