CHAPTER 12 💕 Take her Home
Last day nang pahinga 'to ni Bryan. Malamang sa Monday, makakapasok na sya ulit. Jusme naman. Namimiss ko na yung gwapo nyang face. Tsaka kahit masungit sya, gusto ko na rin marinig ang boses nya. Parang hindi kumpleto ang araw ko palagi kapag hindi sya nakikita.
Bwisit talag si Hollymaw nung Monday. Ang sarap sakalin eh. Pahirap sa buhay. Napaglinis tuloy kami ng banyo.
Bago ako bumangon sa kama, chinat ko muna sj Bryan ng 'good morning' kahit hindi sya nagrereply. Parang ritwal ko na'to. Tapos sa gabi, good night naman ang chachat ko. Hindi rin sya magrereply hanggang sa makatulog na ako.
Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para kumain. Nauna na naman si kuya sa akin. Tanghali na ba talaga ako gumising?
"Good morning bebe.",bati ni Mommy.
"Morning Mommy.",sabi ko sabay hug sa kanya.
Baby ako nito eh.
"My iniwan na naman ako ni kuya?"
"Eh ikaw naman kasi nak. Ang tagal mo gumising. Tapos ang bagal mo pa kumilos."
Napanguso nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos, dali-dali na akong naglakad palabas. Tapos sumakay ng sasakyan at nagpahatud sa school.
Hai naku. Kahit gusto ko mang bisitahin yung bwisit na Bryan na yun, hindi ko naman magawa. Sabihin nina ate Lena masyado akong nagki-care kay Bryan. Baka mahalata pa nila ako.
Ilang minuto lang pagdating ko sa school, nagsimula na kaagad ang klase. Mukang tae lang. Ang sakit na naman sa ulo. Napatayo pa ako at natanong kanina. Wala naman akong naisagot. Wala naman kasi si Bryan. Eh kahit papano naman may mabuting-loob sya para diktahan ako.
"Next week, we will be having an immersion. We are going to travel to a far barrio on an island. And the partners will be your study partners. So, I will give you the letters for your parents and on Monday, we will settle everything."
OMG!!!!Mag-i-immersion na kami. Ang kung siniswerte ka ng naman. Si Bryan pa ang makakasama ko. Yes!
Nang maipamigay na sa amin yung papapirmahan, at maikuha ko na din si Bryan, agad nang nagpaalam si sir. Ayos naman. Mamaya pupuntahan ko si Bryan para dalhin 'tong papel.
~*~
Excited akong nagpahatid sa driver sa bahay nina ate Lena kung saan nakatira si Bryan. Pagbaba ko, agad akong nagdoorbell. Ilang saglit lang binuksan yun ng isang dyosa!
"Hi ate Lena."
"Hello Abby. Pasok ka.",sabi nya.
Tumuloy na ako.
"Kamusta po si Bryan?",tanong ko habang naglalakad kami papasok ng bahay nila.
"Okay na sya. Natanggal na yung sement. Konting pahinga nalang, magiging super okay na sya."
"Ah...Mabuti naman po kung ganun."
Pagpasok namin sa bahay. Hindi ko napigilang mapatawa nang makita si kuya Bryle na nakaupo doon sa sofa habang ang daming clip na nakalagay sa buhok. May korona pa sya at lipstick na lampas-lampas. At hindi na rin ako nagulat pa nang makita na may hawak na suklay si Bella.
"Aunt Abby!",sigaw nya. "Meet princess Tatay and knight Baba."
Nakita ko naman si Brix na may throw pillow na nakatali na harap ng katawan. Tapos naka-korona din ito na panlalaki at may espa-espada.
"Hello princess Tatay and knight Baba.",sabi ko.
Napakamot naman sa ulo si kuya Bryle. Hahaha. Ang supportive naman nyang Daddy.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Teen FictionBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...