CHAPTER 28 💕 Am I Really Falling?
"Class dismiss.",announce ni Mam.
Excited akong tumayo sa upuan ko. Tumayo na din si Bryan sa upuan nya. May group project kami na gagawin. Tatluhan yun, at bilangan. Dahil katabi ko si Bryan, hindi ko sya nakagroup.
Si Jester at si Erica yung mga kagroup ko. Gagawa kami ng time machine. De joke! Gagawa kami ng robot. Robot daw na pwedeng pakinabangan sa gawaing-bahay. Excited na nga ako eh.
Pinagmeeting-meeting lang kami kanina.
"Ui ano yung sa inyo? Sa amin yung robot na makapag-pupunas ng dumi! Makakadetect sya ng dirty substances, tapos malilinis nya. Idea yun ni Jester. Ang galing nya noh?",sabi ko.
"I don't know.",sabi lang nya.
"Wala pa kayong initial plans?",sabi ko.
"I don't know.",sagot na naman nya.
"Eh kelan kayo gagawa?"
"I don't know."
"Babe niloloko mo ba 'ko?",sabi ko.
"I just don't know. Why don't ask Jester? Diba magaling sya?",sabi nya.
Napakunot ang noo ako at hinawakan sya sa braso. Huminto ako sa paglalakad, kaya napahinto din sya.
"Eh... Babe nagseselos ka na naman!",sabi ko sabay sundot sa pisngi nya.
"What? No I am not.",sabi nya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Tanggi na naman!",sabi ko habang sinusundan sya. Hindi sya nagsalita. "Babe!"
Hindi nya ako pinansin.
"Bryan!"
Ah ayaw mong mamansin ah.
"Ui Jester!",masaya kong sabi.
"What the!",sabi ni Bryan na agad na huminto sa paglalakad at nilingon ako.
Nakita ko yung kunot na kunot na noo nya. Napangiti naman ako at nilapitan sya.
"Joke lang. Seloso!",natatawa kong sabi at pabiro syang sinampal, bago hawakan yung kamay nya. "Halika na."
Naglakad na ako. Sumabay nalang sya.
"Babe, wag ka nang magselos. Alam mo, kahit itanggi mo kasi nang itanggi, halata ko naman. Pero wala ka namang dapat ipagselos, kasi hindi ko naman gusto si Jester. Di din naman nya ako gusto. Tsaka boyfriend na kita. Ano pa ba?",sabi ko.
Nakakunot pa din ang noo nya.
"Ui.",tawag ko.
Tinignan lang nya ako.
"Naiinis ka kasi kagroup ko sya sa project?",sabi ko.
"I don't care.",sabi ni Bryan.
Napakunot ang noo ko at binitawan yung kamay nya. Itinaas ko pa yun bago padabog na ibinagsak.
"Eh wala ka naman palang pakealam eh! Anong inaarte-arte mo dyan?",sabi ko.
Agad na nanlaki ang mga mata nya. Inirapan ko sya, tapos ay nauna na ako sa paglalakad. Sya na nga sinusuyo, arte-arte pa!
"Hey babe! I-I'm sorry.",sabi nya. Tapos ay naramdaman ko na hinawakan nya yung braso ko. "Babe..."
Nilingon ko sya, pero tinignan ng masama.
"Sorry na. Okay I'll admit. N-Nag...Nagsiselos na nga ako.",halos pabulong na nyang sabi. "But, I can really feel that guy. May...may gusto yun sayo."
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Fiksi RemajaBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...