Chapter 19 The Photo

78 2 0
                                    

CHAPTER 19 💕 The Photo

"Babye ate Abby, mamimiss ka namin."

"Babye. Ako din, mamimiss ko kayo.",sabi ko sabay yakap sa kanila.

Nakagayak na kami at handa na sa pag-alis. Nakakalungkot naman. Kahit kasi sa maiksing panahon lang na nagkasama kami, syempre nagustuhan ko na rin na kasama sila.

"Pining, nga pala may ibibigay ako sayo.",sabi ko.

Tapos inilabas ko yung notebook ko na pinagsulatan ng studies ko tungkol sa dagat nila.

"Halika muna dali.",sabi ko tapos naupo ako sa papag. Naupo sya sa tabi ko.

Binuksan ko yung notebook ko.

"Diba nabanggit mo na sumisisid ka ng pearls?",sabi ko.

"Abbielyn come on! Matagal pa ba yan?",maarteng sabi ni Mariejuana.

"Hindi ako nagpapaintay sa inyo, okay? Kaya kung gusto nyo nang umalis, edi umalis kayo.",sabi ko.

Lumingon ulit ako kay Pining.

"Pining, yung matamis na tubig-dagat."

Napakunot ang noo nya.

"Matamis na dagat?!",shock na sabi Hollymaw.

"Di kita kausap.",sabi ko.

"Alam mo ang tungkol dun?",sabi ni Pining.

"Pinag-aralan ko yun. Makinig ka. Yung matamis na dagat, hindi sya kalat. I mean, sa isang part mo lang sya matitikman. At alam mo ba kung anong meron sa ilalim nun?",sabi ko.

"Ano?"

"Pearls! Maraming-maraming pearls. Katulad nito oh.",sabi ko sabay labas nung mga nakuha ko. "Nasisid ko yan kanina."

"Wow! Tay tignan nyo. Diba eto yung mga mamahaling perlas?",manghang sabi ni Pining.

Lumapit si Mang Kanor at tinignan yun.

"Ai eto nga. Akala nami'y wala nang ganito eh. Alam mo nga'y wala na kaming halos masisid.",sabi ni Mang Kanor.

"Yun po Mang Kanor ay dahil sa, nagsasama-sama po sila sa iisang lugar. Sila din po yung dahilan kung bakit nagkakaroon ng matamis na part sa dagat nyo. Iyon po ay dahil sa liquid na galing sa clams nila. Kaya Mang Kanor, kung sisisid po kayo, doon po sa mga oras bago lumubog ang araw o sa madaling araw. Tsaka sa parte kung saan matamis yung tubig."

"Wow! Abby ang galing mo! Salamat ah.",sabi ni Pining.

"Eto pa oh. Eto yung mapa na ginawa ko kung saan madalas meron.",sabi ko.

Tapos inabot ko sa kanya yung bond paper na pinagdrawingan ko. Tinignan yun nina Mang Kanor.

"Salamat talaga Abby!",sabi ni Pining.

"Salamat Abby ha. Malaking tulong 'to samin.",sabi ni Mang Kanor.

"Wala pong anuman. Eto pong mga perlas, sa inyo na po yan. Pero, penge pong isa ah. Bibigay ko po sa Mommy ko."

Tumayo na ako.

"Naku Abby hindi na. Ikaw ang sumisid nyan kaya, sayo na yan.",sabi ni Aling Dina at pilit yun inilalagay sa kamay ko.

"Hindi na po. Sa inyo nalang po. Regalo ko po yan. Pasasalamat kasi, pinatuloy at pinakain nyo po kami dito.",sabi ko at iniwan na yun sa kamay ni Aling Dina.

"Maraming salamat Abby. Napakabait mong bata.",sabi nya.

"Sige po Aling Dina. Kailangan na po naming umalis. Salamat po ulit.",sabi ko at yumakap na sa kanya.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon