CHAPTER 15 💕 Shoulder for Sleep
Nagising ako at napahawak sa ulo nang makaramdam ng bahagyang sakit ng ulo.
"'Nak..."
Tumingin ako sa paligid. Nasa kwarto ko ako. Si Mommy. Sa tabi ng kama ko, si Bryan.
Ewan pero naiyak na naman ako nang maalala yung nangyari. Kung hindi dumating si Bryan, malamang pinaglalamayan na ako ngayon.
"Shh...Baby okay na. Wala na sila.",alo ni Mommy habang pinupunasan yung mga pisngi ko.
Nabihisan na ako. Pero iba ang pakiramdam ko. Yung mga hawak, yung mga haplos, ang dumi sa pakiramdam.
Hindi ako nagsalita at tahimik na bumangon.
"Abby...",malambing na tawag ni Mommy.
Pero wala akong gana na makipag-usap kaya dumiretso ako sa banyo. Isinara ko ang pinto at naghubad. Matapos ay naligo sa ilalim ng shower. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak.
Hindi ko akalain na makakaranas ako ng ganito. Kung nahuli ang dating ni Bryan, baka mas malala pa sa mga haplos ang ginawa ng mga demonyong yun.
"Abby anak, okay ka lang ba?",tanong ni Mommy sa labas.
"O-Okay lang po. Kailangan ko lang My. Kailangang-kailangan po."
Hindi na nagsalita si Mommy. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagligo. Alam kong natagalan ako sa banyo. Pero maya-maya lang din, lumabas na ako at nagbihis. Wala na si Mommy at si Bryan.
Wala akong ganang gawin. Wala akong ganang kumain kahit na hindi pa ako nananghalian, wala akong ganang kiligin kahit nandyan si Bryan.
Nahiga ako sa kama at nagkulumbong. Wala akong gana.
"Seam...nagpapahinga---"
"Abby!"
Napatingin ako sa may pinto. Hindi pa ako nakakabangon nang biglang tumakbo si kuya palapit sakin at yakapin ako.
"I'm so sorry.",sabi nya.
Niyakap ko din ng mahigpit si kuya.
"Hindi mo kasalanan kuya. Wala kang kasalanan.",sabi ko.
Kumalas sya at hinaplos ako sa buhok.
"Anong ginawa nila sayo? Nakilala mo ba sila?",nagngingitngit na sabi ni kuya. Namumula sya sa galit.
"Wala kuya. N-Nakaligtas ako. Niligtas ako ni Bryan."
Napabuntong-hininga sya at niyakap ako ulit. Tsaka ko lang napagtanto na buong barkada na pala nila ang nasa kwarto ko, kasama si Mommy na naunubig na ang mata.
Kumalas ako kay kuya.
"My, wag ka nang umiyak. Okay na ako oh.",sabi ko. Pinilit kong ngumiti para di na sya mag-alala.
Pinilit din nyang ngumiti. Lumapit sya samin ni kuya at naupo din sa kama.
"Mommy naman eh. Bawal yan. Tama na...",sabi ko habang pinupunasan yung mga pisngi nya.
"Maayos ka na ba? May masakit pa ba sayo?",sabi nya.
Umiling ako.
"Kung okay ka, isang ngiti nga dyan.",sabi ni Mommy.
Huminga ako ng malalim at nginitian si Mommy.
"Oh My, wag ka nang umiyak.",sabi ko pagkatapos. Ngumiti si Mommy at niyakap din ako. Agad naman akong nagpunas ng mga luha habang nakatalikod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Novela JuvenilBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...