CHAPTER 40 💕 Childish Babe
Maaga akong gumising at naghanda. Naeexcite na naman akong makita si Bryan.
Pagkatapos kong kumain ng agahan, nagpaalam na agad ako kay Mommy at lumabas na. Saktong-sakto talaga, naabutan ko na agad yung kotse ni babe na nakaparada sa labas ng bahay namin.
Nasa labas sya nun at nakatayo. Nakajersey sya at nakatingin sa..sa kalangitan? Eh nakatingala sya eh. Tahimik ko syang nilapitan. Nakapikit sya pala.
Napangiti ako at tumiad. Tapos ay hinalikan sya sa baba. Agad naman syang napamulat at tumingin sakin. Tapos napangiti sya.
"Good morning babe.",sabi nya sabay yakap sa leeg ko, gamit yung mga braso nya. Hinila nya ako palapit sa kanya at hinalikan sa noo.
"Good morning. Anong ginagawa mo kanina?"
"Hmm... Nothing. Just trying to relax.",sabi nya.
"Eh relax ka naman na?",sabi ko.
Nakapatong pala yung isa kong kamay sa likod nya. Ngumiti sya at ninose to nose ako. Hindi ko naman napigilang matawa. Naglalambing na naman 'to.
"Relax na relax.",sabi nya.
"Alam mo Bryan, kung ako sayo, hindi ko 'to dito gagawin. Kase may maligalig na kuya dito na nagngangalang Seam. Yari ka kapag nakita ka nun."
Natawa sya at pinakawalan na ako.
"I forgot.",sabi nya.
Natawa nalang ako. Binuksan nya na yung pinto ng front seat. Sumakay na ako kaagad. Tapos sya din. Then nagmaneho na sya.
"Nga pala. Babe, magrequest yung kambal. Dalhin daw kita sa kanila mamaya after class. Is that okay?",sabi nya.
"Kayna ate Lena? Sige ba! Pero, papaalam pa ako kay kuya ah."
"Ako nang bahala. But babe, okay lang ba sayo na hintayin muna ako hanggang matapos ang practice?"
Oo naman noh! Yun lang pala eh.
Pero hindi na muna ako nagsalita. Nagkunwari pa akong nag-iisip. Nakikita ko naman sa peripheral vision ko na tinitignan ako ni Bryan.
"Babe kasi...",sabi ko.
"Okay lang kung hindi. Maybe, I'll just fetch you at home.",parang nadissapoint nyang sabi. Halata naman yung bitterness sa boses nya eh.
Hindi ko naman napigilang mapatawa.
"Joke lang! Syempre naman hihintayin kita noh. Para yun lang eh. Tsaka, gusto din kitang mapanood.",sabi ko.
Unti-unti syang napangiti.
"Thanks babe.",sabi lang nya.
Maya-maya lang pagkadating namin sa school, diretso na ako sa klase ko. Sya naman sa practice nya.
Nasa classroom lang ako buong klase. Tahimik, sumasagot kapag tinatawag. Nakakamiss pala kapag wala si Bryan sa tabi ko. Walang nangungulit, wala akong makulit. Wala akong makadaldalan. Wala pang tagadikta saking ng sagot pag minsan.
Nang sumapit ang recess, yung dalawang bruha ang kasabay ko. Nung tanghalian naman, sila lang ulit. Pero ang nakakagrabe. Kada kainan, may nakareserve ako sa cashier. Bayad na lahat ni Bryan. Dadalhin ko nalang sa table at lalantakan.
Pagkatapos ng last period, nagpaalam na ako kayna Ingrid at kay Chloe na pupunta ako sa gym para inatayin si Bryan.
"Chloe, hindi ka ba sasama? Di mo panonoorin si Dean?"
"Hindi na. Hindi rin naman kami makakauwi ng sabay eh.",parang malungkot nyang sabi.
"Nga pala. Sorry naman.",sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/92244588-288-k190762.jpg)
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Ficção AdolescenteBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...