CHAPTER 11 💕 Fight with a Bitch
Pag-uwi ko sa bahay galing kayna ate Lena, nagtatakbo ako papaakyat sa kwarto ko at dumapa sa kama at sumigaw sa unan. Nasabi ko kay Bryaaaaan! Nasabi ko kay Bryan yung nararamdaman ko. Hindi ako makahinga!
Hindi sya nagsalita pagkasabi ko at tumitig lang sakin. Naputol lang yun nang biglang dumating si ate Lena na may dalang lumang notebook ni kuya Bryle noon na ipinahiram samin.
Natapos yung assignment ko. Pero buong paggawa, awkward. Kinakausap ko lang sya kapag may itatanong ako. Sya naman, parang walang nangyari, sumasagot lang. Ang ikinadissapoint ko pa, nang sabihin nya na, "Sanay na ako sa ganyan. Wag mong pakadamdamin."
Wag pakadamdamin?! Anim na taon ko syang crush wag damdamin? Ano yun, joke?!
Hawak ko yung unan ko at tumingin sa kisame. Pagkatapos kong magconfess yun yung sasabihin nya?! Pakiramdam ko nabalewala ako. Parang sa 'wag mong pakadamdamin' nyang yun, mas nasampal ako ng katotohanan na wala na akong pag-asa sa kanya. Na kalimutan ko nalang yung feelings ko.
Para akong tanga na naiyak nalang. Yun nga talaga siguro ang ibig sabihin nun noh? Wag kong pakadamdamin na mahal ko sya. Kasi wala naman nang pag-asa.
"Abby..."
Napatingin ako sa pinto at agad na nagpunas ng mga pisngi. Si Mommy.
"Po?"
"Nakauwi ka na pala di mo manlang pinaalam kay Mommy, 'nak."
"Sorry po."
Tumayo ako at agad na nagpunta doon sa may pinto at binuksan yun. Tinitigan ako ni Mommy. Alam ko na ngayon, alam na nya na may mali.
"Anong nangyari?
Napakagat nalang ako sa labi. Naramdaman ko na tumulo na naman ang mga luha ko.
"Abby...",sabi ni Mommy. Tapos inakay nya ako papasok sa kwarto ko. Naupo kami sa kama at napayakap nalang ako sa kanya at umiyak.
Hindi nagsalita si Mommy at hinaplos lang ako sa buhok. Nang makakalma, tsaka nya ako tinanong. Doon ko na rin ipinagtapat yung matagal ko nang tinago. Pero sabi ni Mommy, alam naman daw nya eh. Anak nya ako kaya alam nya kahit di ko sabihin.
"Abby, ganun talaga minsan. Hindi lahat ng bagay na gusto natin, makukuha natin. Si Bryan 'nak may sarili syang isip at puso. Kung yun man ang nararamdaman nya, wala tayong magagawa dun. Masakit man pero, kailangan mo nalang respetuhin."
Umiiyak akong tumango kay Mommy at niyakap sya ulit. Ang sakit pala na hindi mo kailanman pwedeng makuha yung isang bagay na gusto mo at matagal mong pinanghawakan.
Sinabi ko kay Mommy na wag nalang banggitin kay kuya. Kilala ko si kuya eh. Kahit madalas kaming nag-aaway nun, alam ko ang pwede nyang gawin kapag nalaman nya. Alam ko din naman, walang kasalanan si Bryan. Ako naman ang nagmahal eh. Hindi nya ako inutusan. Kaya kung masasaktan man ako, di na nya yun pananagutan.
Bumaba lang ako nang kakain na ng hapunan. Nakakagulat dahil ang aga umuwi ni kuya. Tahimik lang ako habang kumakain. Hindi din ako makakain ng madami dahil wala naman akong gana.
"Abby, may sakit ka ba?",sabi ni kuya.
"Sakit? Wala noh."
"Eh bakit ang tamlay mo na naman? Napapansin ko, tuwing nalang magkikita kayo ni Brylen nagkakaganyan ka ah. Ano bang nangyayari?",sabi ni kuya.
"Hai naku Seam. You're overthinking. Sumakit lang malamang yang ulo ni Abby sa Calculus equations na sinagutan nila.",sabi ni Mommy.
"Tss. Bulok kasi sa Math."
BINABASA MO ANG
Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)
Ficțiune adolescențiBryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa kanya. Devilishly handsome, intelligent, talented. Hinahangaan sya ng lahat. Ngunit sa dinami-rami ng mga tagahangang ito, gaano ang posibi...