Chapter 3:

971 19 1
                                    

Kyrine's POV

Ang sarap nang tulog ko, ayaw kong gumising. Bakit? Kasi nanaginip ako na... pinapatay ko na yung pesteng Anna na yun eh! Yung feeling na tino-torture ko siya sa panaginip ko.

Pinuputol ko mga daliri niya habang buhay siya ng dahan-dahan. Para mafeel niya talaga yung pain. Pinuputulan ko siya ng kamay, slowly. Sinusugatan ang mukha niyang makapal para maging manipis din naman sa sobrang ka-kapalan.

Pinuputulan nang buhok at sinsaksak sa baga niya. At ang pinaka-matinding nagawa ko is the best of them all.

It was the evilest thing ever and it made her cry for mercy even more.

Pinakinig ko siya sa Justin Bieber songs! FULL VOLUME PA! Buwhahahahahaha!!!! Hate niya kasi yun! Mapala niya nga. HAHAAHAHAHAHA!!!

"HOY!" May umistorbo naman sa magandang tulog ko.

"Punyieta ka! KUNG MAKAISTORBO KA AH. GUSTO MO TANGGALIN KO YANG DILA MO?!" Takteng yan oh, naistorbo ako eh.

Ang sarap sarap nang tulog ko, mayamaya paggising ko may nakita akong panget sa harapan ko. BAD TRIP! Kay aga-aga.

"Sorry ha! Ako na nga itong nanggising sayo para sabihin na bumangon at maghanda dahil magpapasukat ka na para sa bago mong uniform!"

"BUKAS NA! TAKTENG YAN." Sigaw ko.

"Oh sige pumunta ka dun bukas ha? Tignan natin kung papayagan nila ang outsider makapasok dun during school days/hours."

"ANO BA YAN EH!" Nagdabog ako.

"Throw a tantrum all you want. Bahala ka diyan. Pag di ka pa ready nang 10 o'clock iiwan kita."

Kaasar!! Sabay kamot naman ako sa ulo. Tiningnan ko yung orasan.

"Letseng yan, 9:30 na eh!"

"Kasalanan ko? Eh halos isang oras kitang ginigising diyan! Kaso, TAWA KA NANG TAWA NG PARANG TANGA! Lintek, bilisan mo!"

"Tse! Labas!"

Lumabas den ang lola. Kaasar, aga aga eh.

Binilisan ko naman ang ligo ko at nagmadaling magbihis. Bumaba din ako agad at lumabas ng bahay. Nakita ko ang lola na naghihintay sa labas. Nakatayo sa tabi ng kotse na pula.

Aba, akalain mo, marunong din naman pala pumorma ang lola.

Nakalugay si hair, lumabas ang natural curls niya sa ibaba nang hair niya. Nakajacket siyang dark blue sabay white t-shirt naman sa loob. Naka white skinny jeans din siya. At naka ankle boots pa yan ah.

"Heh, marunong rin pala magbihis ang lola." Sabi ko sakanya.

"Nako, parang ngayon mo lang ako nakitang magsuot ng ganitong mga damit." Sabi niya.

"Eh ang tagal mo na kasing di lumalabas sa bahay kaya nasanay ako sa iyo na mukhang lola. Akalain mo ah, nag lipstick ka lang ngaun ah. Naks, natural."

"Syempre-"

"Mas natural ako." Sabat ko sakanya. Feeler naman toh.

"Naturalin ko mukha mo eh."

"No need, it already is." Sabi ko sabay pasok sa kotse with matching hair flip!

"Hayyss...." Pumasok na rin siya sa loob nang kotse at nagdrive. Habang ako naman ay nakatingin lang sa labas nang bintana.

Masyado bang madrama? Oh huwag niyo nang sagutin!

Malamang sa malamang, lahat naman sa atin na nakasay na ng kotse or bus ay nakatingin lang sa labas nang bintana. Huwag na kayong umangal, totoo naman eh diba? Diba? Oo na lang kayo.

My HATER My LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon