Chapter 9:

456 19 2
                                    



Austin's POV

"Ano nanaman bang katangahan ang ipinalabas niyo nanaman kanina ha?!" Sermon samin ni bitch.

"Rescue mission?" Sagot ko.

"'Rescue mission' mo mukha mo! Lintek ka!" Binatukan niya ako ulit. Batok toh ng batok, kulang na lng manuntok.

"At least nga nirescue ka pa sa manyak na yun. Wala mang thank you."

"Huwow ah, thank you ah!"

"You're welcome." Ngumiti ako ng parang ewan sakanya. Bakit ba? Nangaasar ako eh.

"Tangina mo!" Sinipa niya ako sa tiyan, kaya naman medyo natumba ako.

"Shit nga naman oh! BABAE KA BA?! O LALAKI KA NA NAGPA-PLASTIC SURGERY?!" Sigaw ko sakanya habang nakahawak sa tiyan ko, na umuubod ng sakit.

*PAK!*

*GASP!!* Nag-gasp yung tatlong baliw sa likod ko ng parang mga baliw.

*GASP!* Gumaya naman ako. "You slapped me across my face!" Tas sabay hawak sa pisngi.

"BAKLA KANG GAGO KA!" Sigaw niya, habang nakapawewang na.

Tumayo naman ako ng naka-smirk.

"'Di mabiro?" Sabi ko. "Mura ka ng mura."

"Mukha mo kasi kamura-mura." Sabi niya.

"Excuse me lang ha! Mukha ko is precious! Mahal! Kaya nga ang daming girls na humahabol sa face na toh eh. Kasi I'm so fucking hot." Sabi ko. Alangan noh, kailangan kong ipagmayabang ang kapogian ko.

"Tsk." Tumalikod siya. "Kadiri." Sabi niya at naglakad palayo.

ANO DAW?! AKO?! KADIRI???? SIYA KAYA YUNG KADIRI!

*Hahahahahahaha* Tumawa yung mga baliw sa likod.

"Shut the fuck up!" Sabi ko sakanila at sinundan si Kyrine.


Napansin ko na lang habang naglalakad kami, paikot-ikot siya sa buong campus. Nakakapagod. Bakit? Kasi lunch time, limited time lang kami meron. Tapos, itong kasama ko, ay ang pakabilis maglakad!

"San k aba talaga pupunta?" Tanong ko habang medyo hinihingal.

"Pake mo ba kung saan ako pupunta? Sinabi ko bang sundan mo ako?" Pagmamataray niya.


Kabanas ah. Ang sarap nang sundutin ang mga mata ng bitch na toh eh.

"Taray mo."

"Matagal na. Ngayon mo lang napansin? Slow mo." Tas nauna siyang naglakad.

Tsk. Ang bilis maglakad! Kala mo maypupuntahang importante eh. Ang daya talaga ng babaitang ito eh. 'Di man lang naghintay!

"Oy! Kyrine!" Sigaw ko sakanya. Kaso ang paka layo na niya, edi tinakbuhan ko. "Hmm..." Nilagay ko yung kamay ko sa baba ko. Yung parang nagiisip na genius. Tinignan lang ako ni Kyrine at nagpatuloy maglakad.

Hmm... Hihihi... para kaming magshota. Hihi. This should be fun.


School ends...

"Whoo! Tapos rin!" Sigaw ko, habang iniistretch ko yung kamay ko. "Gala tayo." Sabay sabi ko Kyrine nang bigla akong humalumbaba. And yes, katabi ko siya ulit. Kailangan eh. May 'contract' kami.

"Gumala ka magisa mo." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin, ano ginagawa niya? Nagbabasa parin ng libro!

"Boring mo. Wala ka nang ginawa kundi magbasa at mangsermon. Para kang nanay."

"Wala kang magagawa." Sagot niya.

"Ugh!" Hiniga ko naman yung ulo ko sa ibabaw ng kamay ko sa lamesa.

"Parang bata ampeg." Sabi niya. Narinig kong sinara na niya yung libro niya, kaya tinaas ko agad ulo ko.

Nagliligpit na siya ng gamit. Nung patayo na siya...

"Ano ba!" Sigaw niya. Hinawakan ko yung wrist niya at hinatak paalis ng classroom. Sumunod naman yung tatlo.

Habang naglalakad kami sa corridors, pinagsisitingan kami. Tsk, pano ba yan? Swerte naman ni Kyrine, ako pa ang nakasama. Ang pinakapoging lalaki sa buong school.

"Hindi mo ba ako bibitawan? Ha?!"

"Hindi." Pagmamatigas ko.

"Kawng kumag ka!" Tsk. Ingay! Naririndi ako, kaya hinila ko siya papalapit sakin at hinalikan siya. "MANYAK!" Sabay sabi niya, at sinimulan niya akong palo-paloin.

Habang hinihila ko siya papalabas ng campus, sa may gate naghihintay na yung personal driver ko.

"Good afternoon, young master." Bati niya tas sabay bukas ng pinto.

"Sup." Sabi ko. At binato ko si Kyrine sa loob ng kotse. Tama basa niyo, BINATO KO SIYA SA LOOB.

Buwahahaha!

Sinubukan niyang lumabas, kaso nasara ko na agad yung pinto at ni-lock siya sa loob.

"Hoy!" Sigaw niya sa loob habang pinagsisipalo niya yung bintana. "Tangina mo talaga eh noh! Buksan mo tong manyakis ka!"

Hindi ko siya pinansin.

My HATER My LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon