Kyrine's POV
Hindi ako makapaniwala na nabrain wash ako ni Austin sa katangahan niya! PUNYETA.
Oo nga pala, today is Sunday. So what do you expect? Pumunta ako kina Austin para ilabas siya sa pangit nilang bahay. Nakakaawa eh, ilang linggo nang nakakulong sa bahay. Ewan ko ba dun, ang paka epal.
"Bilisan mo!" Sigaw ko sakanya. Bakit ba? Nabobored na ako eh.
Pano ba naman, ang bagal magbihis!
"Eto na po!" Tas lumabas na siya sa kwarto niya.
Naka jeans lang siya, tas plain white t-shirt at varsity jacket.
Tinarayan ko na lang siya at nagsimula nang lumabas ng bahay nila. Sumunod naman siya sakin.
"San ba tayo pupunta?" Tanong niya.
Pwede ba? Hindi ba niya kayang maghintay at malaman na lang ng kusa?
Napairap naman tuloy ako nang wala sa oras.
"Sa mental hospital." Sagot ko habang naglalakad.
"Ha? Anong gagawin natin dun?"
"Tanga ka talaga kahit kalian noh? Malamang ichecheck-in kita dun!" Sigaw ko.
"Bakit? Hindi naman ako baliw ah."
"Akala mo lang. Malamang hindi mo alam kasi tanga ka."
Napakamot naman siya sa ulo niya.
Tanga naman kasi talaga diba? Kaya nababanas ako sa tuwing kasama k otoh eh.
"San ba kasi talaga?" Nangulit na siya.
Huminga kao ng malalim at humarap sakanya.
"Pwede bang maghintay ka? Ha? Kaya mo bang gawin yon?" Tumango na lang siya. "Yon naman pala eh." Tas naglakad na lang ulit ako.
Hays! Napakamot naman tuloy ako sa ulo ko ng parang natataranta!
Umiinit ulo ko ditto eh.
Maya maya lang nakarating na kami sa park. Madaming tao dun, abay MALAMANG!
"Ano ginagawa natin dito?" Tanong nanaman ni Austin.
"Malamang magrerelax, get some fresh air. Ano ba? Ang paka tanga mo talaga eh noh?!" Umirap ako sakanya at mukang napairap na rin siya.
So yeah, ayun. Nagstroll kami sa park, habang si Austin naman ay nagmumukhang bata! Habulan daw! Hide and seek daw! Bili daw kami ice cream! HUWOW!
Ano siya sinuswerte? Heh, yoko nga.
"Pwede ba Austin, tigilan mo ko bago pa kita masuntok." Edi huminto na siya sa pangungulit sakin.
Austin's POV
ANG PAKA BITCH TALAGA NI KYRINE! Makikipag play lang siya sakin ng habulan, ayaw pa? Ang arte.
Tumanggi siya, SAKIN! Sa pogi kong toh, tatanggihan niya ako?! OH MY GOOOOOOODDD!!
Nauuna si Kyrine na maglakad saming dalawa, so yeah, nileleft behind niya ako. SAD!
Tas maya maya, muntikan na kong matalisod!
"What the fuck?!" Tinignan ko yung sapatos ko, loose nap ala yung sintas. Edi yumuko ako at inayos mga sintas ng mga sapatos ko.
AT HINDI AKO HININTAY NI KYRINE!
Eto pa, what's worse sa pagtapilok ko, which is muntikan nang madamage ang pinaka imported kong beautiful and handsome face, is yung may batang nabunggo kay Kyrine!!!
"Shit!" Sigaw ko sa sarili ko.
Yung batang babae kasi may ice cream na hawak-hawak, at nadumihan yung damit ni Kyrine. Yung bata nagsorry at nagmumukha nang natakot kay Kyrine at nagsisimula nang umiyak!
Fucking shit! Bad news talaga si Kyrine!
"S-sorry po... hindi kop o sinasadya—"
"Sorry? SORRY?!" Sigaw ni Kyrine sa bata. "ALAM MO BA NUNG KUNG GAANO KA EXPENSIVE TONG TOP NA BINILI KO? Original toh! HINDI PEKE! Tas tatabunan mo lang ng ugly cheap mon a ice cream??! Niloloko mob a akong bat aka ha?!" Tas hinablot ni Kyrine yung buhok niya.
"Wag po!!" Nagsisimula nang umiyak ng malakas yung bata.
"Wag po? ANONG WAG PO!? MAGBABAYAD KA!" *PAK!* Tas sinampal niya ng malakas yung bata.
SHIT!
Natumba yung bata sa sahig, na may pisngi na may bakat ng kamay ni Kyrine!
"Sa susunod, PAPATAYIN KITA! KAYA WAG KA MAGPAPAKITA SAKIN, NAIINTINDIHAN MO BA AKO!?" Sigaw niya sa bata at tumakbo na palayo yung bata sakanya habang naiyak.
Grabe, kaya gawin ni Kyrine yun? Bata pa! Pero expectation ko lang yan.
In reality...
"S-sorry po..." Nagsisimula nang umiyak yung bata.
Lumuhod ng konti si Kyrine para maabot niya yung bata. Kumuha siya ng panyo sa bulsa ng shorts niya at pinunasan niya yung luha ng bata.
WHAT THE FUCK AM I WATCHING???
"Okay lang yun. Wag ka nang umiyak." TAMA BA ANG RINIG KO?! ANG HINHIN NG BOSES NIYA! "Dapat di ka naiyak, kasi tamo oh, you're so pretty pa naman. Tapos, you're a big girl right? Dapat di ka na naiyak." Sabi niya.
WHO IS THIS SHIT?!
"Bibili kita ng bagong ice cream, okay? Basta wag ka nang iiyak." Sabi niya sa bata.
Tumingin yung bata sa kanya at ngumiti sabay tumango. Kinuha ni Kyrine yung kamay ng bata at nagsimula na silang maglakad papunta dun sa bilihan ng ice cream.
Si Kyrine ba toh? O kamukha lang ni Kyrine at nawala ko na yung tutoong Kyrine? WHAT THE HELL? Who the?? I'm soooooooo confused.
Maggagabi na at plano na namin ni Kyrine na umuwi. Hindi ko na lang binring up yung nakita ko about saknya kanina. Kasi baka mamaya HINDI TALAGA SIYA YUN! In denial ako sa nakita ko kanina.
Naglalakad na kami pauwi ni Kyrine, nang bigla naming makasalubong yung RIVAL ko!
"Kyrine?"
"Ace! Fancy meeting you here." Sabi ni Kyrine at lumapit sakanya. "Ano ginagawa mo?"
"Wala, actually galling ako sa bahay niyo kanina. Kaso sabi ng pinsan mo umalis ka daw." Tas tinignan ako ni Ace, tinignan ko lang siya ng masama. "Boyfriend mo? Nagdedate kayo?" Tanong ni Ace kay Kyrine.
"Boyfriend?" At mukhang nagcringe yung itsura ni Kyrine. "Hindi ko yan boyfriend. Tska galling kami sa park, wala nang meaning yun."
"Ah kay." Tumango na lang si Ace at mukhang natawa naman silang dalawa.
Hindi yung tawa nang mga baliw ah, yung tawa na parang may something! You know? Feelings!? SHIT!
"Ay, oo nga pala. Bakit ka nandun samin kanina?" Tanong ni Kyrine.
"Right! May gusto lang sana akong pagusapang importante sayo."
"Ah, well gusto mo pagusapan natin? Dun tayo samin." Sabi ni Kyrine at humarap siya sakin. "Austin go home."
"What?!"
Tas nagsimula na silang maglakad paalis.
"Teka! Kyrine!" Kaso ang layo na nila agad at hindi na nila ako marinig.
Grrmm... masama lang tingin ko dun sa Ace na yun... akin lang si Kyrine SAKIN!
BINABASA MO ANG
My HATER My LOVER
Teen Fictionhighest rank in school drama #15 WARNING: This book may contain foul, irrelevant, sexual languages, that may not be suitable for younger readers. Please proceed with caution. P.S. This book also contains an unexplainable and complex plot. °°°°°...