Chapter 19:

262 14 1
                                    


Austin's POV


Pinunasan ko yung mga luha ko at tumabi kay Kyrine sa kama.


Biglang lumikot si Kyrine at humarap sakin, sabay nilapit niya mukha niya sa dibdib ko at bumulong...


"Sawi ka na." Sabi niya.


WHAT THE FUCK!? NARINIG NIYA LAHAT?!


"Heh heh heh... Narinig mo lahat?" Pabulong kong tanong na may halong pagkwa-awkward.

"Lalong-lalo na yung pagiyak mo." Hanep ah! Tulog toh nagsasalita. Kems!

"Uh... eh ano eh...."

"Manahimik ka nga, natutulog ako bigla kang manggaganun." Niyakap na niya ako habang nakapikit parin siya. "Tanga mo talaga kahit kalian."


WOAH! SHIT! SHIT! SHIT! Kilig is ako!

"S-sorry...." Tulug na ba toh? "Kyrine?" Sinubukan kong tignan kung tulog na, mukhang tulog na nga. "Goodnight." Tas niyakap ko na lang rin siya.


*Riiinnggg* *Riinnggg*

"Mgmr..." Kinapa-kapa ko yung phone ko sa bed-side table ko. "Hello...?" Napatayo naman ako bigla. Tumingin ako sa tabi ko, mukhang nabigla si Kyrine kaya nagising. "W-what... today!?" Tinignan ko yung orasan. "Shit... huh? Y-yeah, s-sorry... y-yes... Now?... but... yes sir...." Binaba ko na yung phone.


"Can you get up more gentle?" Mahinang pagsabi ni Kyrine habang kitakamot yung mata niya.

"Sorry." Sabi ko.


Tahimik kaming dalawa, ewan ko kung sasabihin ko ba toh kay Kyrine ngayon oh wag muna? Tinitigan ako ni Kyrine. Sabihin ko kaya?


"May sasabihin ka ba sakin?" Tanong ni Kyrine. Manghuhula bat oh o ano?



Kyrine's POV


Nagising ako sa mahimbing kong tulog nang biglang umupo patayo si Austin. Nakakabanas eh panira.

"Uhm... wala." Wala daw. Wala daw siyang sasabihin. Eh itsura palang mukhang merong gusting sabihin eh.

"Sasabihin mo o sasabihin mo." Sabi ko.

"Wow, nagbigay ka pa ng choices ah."

"Isa..."

"Ba't ka nagbibilang?"

"Dalawa..." Nagiging impatient na ako.

"Uh..."

"Tat—" Tinakpan niya bibig ko.

"Oo na! May sasabihin ako! Basta bitiwan mo lang yang ballpen na hawak mo!" Oo nga pala, may ballpen na akong hawak hahaha! Hindi ko napansin. Binitiwan ko yung ballpen.


Tinanggal ni Austin yung kamay niya sa bibig ko.


"Nakauwi na parents ko dito sa pinas." Sabi niya. Lumaki naman mga mata ko!

"Wha...."

"At papunta na sila dito."

Napanganga ako!

"In a few minutes, nandyan na sila."

"WHAT?!" Napasigaw ako.


Tas may bigla kaming narinig sa labas. Dumiretsyo kami agad ni Austin sa bintana. May taxi sa labas na galling sa airport.

"Fuck."

"Something tells me may kinalaman kapatid mo dito." Sabi ko.

"Shit!" Bigla naming dumiretsyo pababa si Austin.

"Grrr!!" Sabi na nga ba eh! "May kutob na ako kagabi! BAKIT HINDI KO NAPANSIN?! Grrr!!!"


Pumasok si Austin dito sa kwarto. Hingal na hingal, halatang tumakbo.


"Sinet-up tayo ng kapatid ko." Sabi nya.

"ALAM KO!" Shit naman oh! Nandito lang kaming dalawa, natataranta habang papasok na ng bahay ang mga magulang ni Austin. "Shit!"

My HATER My LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon