Chapter 30:

231 13 3
                                    


Kyrine's POV

Huminto na yung kotse at nagsimula na kaming lumabas. Currently it's raining hard. Maputik yung daan at wala kaming payong.

Nandito kami ngayon sa tapat ng isang maliit na apartment building. May mga katabi siyang ibang apartments pero mas malalaki at mas maayos ang itsura. Dahil ang apartment na toh, luma at rundown.

I took a deep breath and glared at the building. Pumasok na kami ni Ace.

Pagpasok namin, makikita mo na agad ang reception desk. Kinausap ni Ace yung babaeng nagtatrabaho dun.

Hindi ko alam tawag sakanya at wala akong pake. Mas importante pa ang next clue keysa sa tawag sakanya.

So yeah, nandito kami sa lobby. Hindi siya ganun kaganda. Actually hindi talaga siya maganda.

Ang luma na ng building at sa itsura nito parang anytime guguho na toh. Like to be honest, ano ba meron sa lugar na toh? Ang creepy ah. Buti na lang kasama mo ko si Ace.

Kamusta kaya si Austin? Teka lang! Bakit ko ba siya iniisip? Bullshit naman oh sa lahat pa ng oras na pwede ko siyang isipin ngayon pa.

Hayy! Panigurado nalaman na nun na wala na ko sa bahay at pinapahanap na ko.

Nakita ko si na papalapit na sakin.

"Let's go." Sabi niya at nagsimula na kaming umakyat sa hagdan.

Syempre bago ako sumunod sakanya tinignan ko muna si ate sa reception desk. Sinusundan niya kami ng tingin. At ang tingin niya ay hindi yung friendly na tingin.

Ganda ng titig ni ate ah. Salamat siya wala akong oras para makipag laro sakanya.

Dahil kung hindi baka pinatay ko na yan si ate.

Austin's POV

Ano daw? I don't know the first about Kyrine? Baliw ba tong pinsan niya na toh? Ang dami ko kayang alam tungkol kay Kyrine.

"Heh. I...?" Turo ko sa sarili ko. "... Don't know the first thing about Kyrine? Heh. Sorry to say but, I know A LOT about Kyrine."

"Alright then genius." Nag cross arms siya at sumandal. "Prove it."

"Alright. But don't cry if I proved you wrong." Sabi ko at nagwink sakanya while siya umirap na lang. "Una sa lahat, magaling kumanta si Kyrine. Second, malaki ang appetite. Third, hindi siya tao at hindi siya tiga planet earth. Fourth, alien ata siya at fifth--"

Pinalo sakin ni Lilianne yung magazine na nirollyo niya.

"Gaga!" Sigaw niya sakin. "Wala ka na bang mas iaayos pa ang sagot mo diyan ha?"

"Tsk." Hinimas ko na lang ulo ko.

Sumandal uli siya. Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.

"Hayy nako. Ewan ko ba kung bakit sumasama si Kyrine sa mga tulad mo." Sabi niya.

"Ang pogi ko daw kasi-- Ah!" Binato naman niya sakin ngayon yung magazine.

"Ambisyoso!" Wtf G na G! Ang sakit! Ang hilig nito mamato ng mga kung ano-ano! "Halatang wala kang alam tungkol kay Kyrine!"

"Hoy excuse me! Kakasabi ko lang ng mga bagay na alam ko tungkol sakanya ah!"

"Hindi yung mga walang dulot na bagay na yon!"

Nagsigawan na lang kaming dalawa sa sala. Kaasar naman oh. Kung hindi si Kyrine ang kasigawan ko, yung pinsan niya! Ba naman!

"Peste. Kung hindi si Kyrine kasigawan ko, ikaw. Kung hindi si Kyrine kaaway ko, ikaw. Pati ba naman ang nanakit, ikaw. Tangina na yan. Mag pinsan nga kayo." Bigla kong sabi.

"Ano pinupunto mo--"

"Asan ba mga magulang ni Kyrine? Bakit parang wala akong naririnig na iisang bagay tungkol sakanila mula kay Kyrine?"

Totoo naman kasi. Never minention ni Kyrine ang mga magulang niya. At matagal-tagal na rin ko tong iniisip.

"Kung maginarte at magsalita si Kyrine parang hindi ginagabayan ng mga magulang niya ah. Ganyan ba talaga siya pinalaki ng mga magulang niya?

Bakit hindi man lamang nila turuan ng magandang asal yang demonyo mong pinsan? Wala ba silang pake sakanya? Hindi ba nila siya mahal?

Grabe naman. Kahit sana ginabayan man lang nila si Kyrine--"

*PAAAK!!!*

Nanahimik yung paligid. Ang paka lakas ng tunog ng pagka sampal sakin ni Lilianne.

Hindi ko ginala ulo ko. Nandun lang siya sa direksyon kung san napad-pad sa pagsampal niya sakin.

Basta ramdam ko na ang paka sama nang tingin sakin ni Lilianne. Sobrang sama. Nagbago kulay niya. Iba na ang atmosphere ng paligid... Ibang-iba.

"Wala kang karapatan para husgahan ang mga magulang ni Kyrine!" Biglang sabi ni Lilianne na halatang may galit sa boses. "Hindi mo sila kaano-ano, hindi mo sila kilala at hindi ka karapat-dapat na MAGSALITA NG MGA GANYANG BAGAY TUNGKOL SAKANILA!!"

Boses palang, sa sampal palang... halatang galit na galit na talaga si Lilianne....

"WALA KANG ALAM!" Sigaw niya. "WALA! Ngayon alam ko na kung bakit ka laging tinatawag na tanga ni Kyrine! Kasi isa ka TALAGANG TANGA!"

Nanahimik na lang ako. Hindi na ko umimik. Dahil napansin ko na nagpipigil ng luha si Lilianne. Kaso, tumulo na.

....
....
A/N: Ouch! Sakit naman nun. Deserve ba ni Austin yung sampal na yun? Or hindi? Dahil mas deserve pa niya ng mas masakit pa dun? (=w=)

Let me know what you guys think in the comments! Heart Heart! ♡♡♡

My HATER My LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon