Chapter 22 (Love Sick)

966 22 10
                                    

WanderingVeronica's Note:

Readers, seryoso. Kelangan po namin ng comments, para maenergize kami sa paguupdate. Yieeeh! Thankyouu :>

--

Harp's POV

The moment I opened my eyes, alam kong hindi ako makakapasok. Grabe, ang weak ko naman. Nabasa lang ako ng ulan kahapon, nilagnat na agad ako, tsk tsk.

Hindi ako makatayo sa kama ko. Ansama ng pakiramdam ko, sobra. Napakawrong timing pati nitong lagnat ko, nasa work si mommy at baka di yun umuwi ngayon, nasa school pati si Harmony na tutulog sa bahay ng kaklase niya mamaya at week off ni Aling Linda. Ako lang magisa sa bahay! Walang mag aasikaso sakin.

Wala akong ibang nagawa kundi abutin yung cellphone ko at itext si Axe para sabihin na hindi ako makakapasok ngayon. Sana naman masabi niya sa mga prof ko na nilalagnat ako, papaniwalaan naman yun dahil maraming ma charisma yang Isaac na yan hahaha.

Hindi si Cole yung tinext ko, he's too zombiefied to open a phone. Baka nga hindi pa yun nakakatulog.

Ansama talaga ng pakiramdam ko, nakakabakla pa at hindi ako makatayo. Ayaw ko namang manuod ng TV dahil puro drama lang naman ang palabas -____- nakakabato naman kung titingnan ko lang ang kisame ng kwarto ko, kaya matutulog nalang ang gwapong ako.

Nagising ako ng bandang 1:30. Lalong sumama ang pakiramdam ko, ampait ng bibig ko tapos ansakit na ng ulo ko, nilalamig na rin ako. Nakasama pa yung pagtulog ko.

Wala akong ibang magawa kundi magtaklob ng kumot. I hope this day would be over.

Maya maya, may narinig akong footsteps. Parang kay Harper! Hwag na kayong magtaka kung bakit alam ko ang footsteps niya, ganyan talaga.

"Harp?" si Harper nga! Bakit yan nandito? At pano yan nakapasok?

Biglang may nagbukas nung pinto ng kwarto ko at tumambad sa harapan ko si Harper na may dalang paper bag.

"Harp, anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?"

Lumapit naman siya sakin tapos hinawakan yung forehead ko.

"Ah. You have a fever." sabi niya pagka alis nung kamay niya sa noo ko,

Bakit nandito siya?

"Shokoy naman, ano ba naman ang mga pinagagawa mo at bigla ka nalang nilagnat?"

Tinitigan ko lang siya, nagtataka parin kasi ako kung bakit andito siya.

"Oy Harp naman! Anong ginawa mo at nilagnat ka??"

"Harper, why are you here?"

Yan lang ang nasabi ko. Hindi parin ako makapaniwala na andito si Harper. Tss, ambading ko talaga pagdating kay Harper! Kaya ata nabwibwiset 'to sakin eh.

"Nagtext ka sakin, sabi mo masama ang pakiramdam mo, sabi mo pati di ka makatayo." nagulat naman ako kasi, kay Axe ko yun tinext.

"Asa ka. Kay Axe ko yun tinext ano!"

Hinampas niya ako sa braso, ano ba naman to? Lagnat na lagnat na nga ako, manghahampas pa -____-

Bigla niyang pinakita sakin yung text ko. Ay wrong send nga. Isaac kasi ang pangalan ni Axe sa phone ko, eh magkasunod sila ni Harper. Nakakahiya naman kay Harper, nagpunta pa siya dito.

"Paano ka nakapasok?" tanong ko ulit

"Binigay mo kaya yung password ng gate niyo, yung pintuan niyo naman, hindi naka lock." Ah, ganon pala. Edi pwedeng pwede pala kaming malooban ngayon at hindi nakalock yung pinto!

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon