Chapter 35 (Make me believe)

586 15 6
                                    

Justin on the side, isipin niyo na lang nakatshirt at jogging pants hahaha

--

Tori's POV

Maaga akong nagising, seryoso maaga talaga. 4 am pa lang, nagpaplano kasi ako kung ano ang ipapagawa ko kay Justin sa loob ng one week or less. Kahit na baga umamin siya, aba kailangan niya munang patunayan sarili niya sakin, para naman may proof ako kung seryoso nga ba talaga siya.

Dahil sinisipag ako ngayon sa kalokohan ko, ay mali di pala kalokohan to, nakasalalay kasi dito ang love life ko mehehe, ayun nagsusulat ako sa journal ko ng mga pwedeng ipagawa sa kanya pati na rin pinagsusunod sunod ko ito.

Natapos ko na ang pagpoplot ng aking 'Impress me' mission. Tumingin ako sa wall clock ko at SHIZ! HOT CARAMEL SUNDAE! TALAGA!? Bakit ang bilis ng oras, 8 am na agad. Grabe, 4hours akong nagplot at nagsulat. Wow, antagal pala ha.

Bilis bilis kong kinuha mga gamit ko pampaligo pero bago ako makapasok sa CR ay nagbeep ang phone ko. Tiningnan ko muna ang message. Malas naman oh ngayon pa nagtext, kung kelan ako nagmamadali eh.

From: Justin

I'm infront of your house.

Lalo akong nataranta sa text ni Justin. Waaaaah! On time talaga lagi ang lalaking to!

Dali dali akong tumawag sa maid namin gamit yung intercom buti na lang at mabilis sumagot.

"Ya! Papasukin mo si Justin, okay, thanks. Bye" at nagpunta na ko sa cr hindi ko na inintay sagot niya. Papapasukin naman nun si Justin.

Binilisan ko ang paliligo ko. Ang sinuot ko na lang ay white tshirt at sweatpants then rubber shoes. Nagdala na rin ako ng extra tshirt incase na kailanganin mamaya.

Bumaba na ako at nakita si Justin na nakaupo sa sofa at kinakalikot ang phone niya. Nakatalikod naman siya kaya gugulatin ko. Am so evil. Mouhaha. 1 2 3..

"Boo!"

"Aaaaaaaahhhh! Mamaaaa-- ARAY!" tapos nagpatak siya sa sofa. Hahaha, ano ba naman to? Tapos, mama raw. Hay nako Justin.

"Masakit? Hahaha tara na" umiling lang siya tapos tumayo na.

Lumabas na kami at nagdiretso sa kotse niya. Nauna pa akong pumasok sa kotse niya, bago lang ata to. Umaasenso si panget ah, nakasunod naman siya. Dun ako umupo sa driver's seat, ako na magdadrive. Hindi naman kasi niya alam kung saan pupunta ano.

"Bakit ka andiyan?" Wala ba talagang common sense tong lalaki na to? Kaya naman pala nasusura sakanya si Jade eh.

"Kasi ikaw magdadrive" kumunot naman ang noo niya, anslow talaga! Ugh, Justin!! Nagjojoke ako ano!

"Joke, akin na susi ako na magdadrive" agad naman niyang inabot sakin. Yan, good.

"Saan tayo?" Umupo na siya dun sa passenger seat eh, di ko na lang pinansin tanong niya. Bahala siyang masurprise sa pupuntahan namin.

After 20mins, nakarating naman kami ng safe ahaha buti na lang at magaling ako magdrive.

"Bakit tayo andito?" Takang taka siya. Wow ah, ngayon lang ba siya nakakita ng ganto?

"Magpipicnic tayo" sarcastic kong sabi.

"Talaga eh bat dito pa sa isang school?" napairap nalang ako. Ang slow niya kasi haha.

Hindi ba niya nakikita yung oval? Nadito kasi kami sa isang public school kasi nga may oval dito at yun yung place kung saan ko ipapagawa ang una kong plano.

"Ugh! Hindi tayo magpipicnic, okay?" lalo namang nangunot ang noo niya.

"Eh bakit andito tayo?"

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon