Chapter 60 (One Fair is Enough)

76 8 1
                                    

--

Jade's POV

"Oo pre! Ang daming hot chix dito!!" napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko ang dalawang dugyot na lalaki na naka neon cap na orange. Ligayang ligaya ang dalawang jeje dugyot habang naglalakad papasok sa isang food stall na naka set-up sa grounds ng Adamantite. Napailing nalang ako.

"Teh! Ang ggwapo ng mga lalaki dito! Juskobells. Sana dito nalang ako nagcollege!"

"Gaga, yung sinusweldo ng buong pamilya mo, wala pa sa kalahati ng tuition sa isang sem dito."

"Oo nga noh. Hmph, ang gwapo kasi nila! Lalo na yung isang varsity player! Emegesh."

Napatingin naman ako sa kanan at nakita ko ang dalawang babaeng naka micro shorts. Jusque, ang iiksi naman ng suot ng mga to. Idagdag mo pa na nakatube lang sila! Bahala kayo, lamigin sana kayo mamaya.

Nagdiretso nalang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang Science Building. Napaka dami kong nakasalubong na jejemon ngayon, nakakasakit ng ulo jusko.

Pumasok na ako sa lecture hall at umupo na ako sa silya ko.

February na kasi.

It's that time of the month again.

ACADEMY EXHIBITION NA!!!

Kasi, tuwing mga second week ng February (bago mag Valentine's) nagkakaroon ng fair ang buong Adamantite. May mga nagseset-up ng kung ano-anong booth sa grounds ng Adamantite. Minsan mga estudyante talaga dito ang nagfafacilitate ng booths, pero madalas, naghihire ang Student Council ng mga taong mag fafacilitate. Bukod sa iba't-ibang booths, meron ding mga rides. Tapos, every 9pm, nagkakaroon ng band na magpeperform. Libre tong fair na to at open for all people kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit maraming jejemon kanina.

Last day na ngayon ng fair at 4pm na. Hindi naman ako nag-eenjoy sa mga ganito kasi ayun nga, andaming tao. Isa pa, ayokong gumastos!! Ang mamahal kaya ng bilihin sa mga booths nila. Tapos may bayad na 25 pesos para makasakay sa rides!? Hah. Utot ang mahal.

Niyaya nga ako nila Harper kanina eh. Pero hays, ayoko. Sinabi ko sakanila na tinatamad ako tsaka tinatamad din akong gumastos. Okay lang naman daw kasi alam talaga nila na hindi ko trip ang magpunta sa Academy Exhibition.

"Last day na ng fair ngayon." Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Axel na nakatingin sa unahan. Ako ba ang kausap neto o nagmomonologue siya?

Di ko nalang siya pinansin at kinuha ko nalang ang ballpen ko. Tss, antagal naman ni prof tandang kalbo! Wag niyang sabihing kaya siya malalate ngayon eh dahil nakaduty siya bilang aswang sa horror train!?

"Magffair ka ba mamaya?" Napatingin ulit ako kay Axel at nakatingin na siya sakin.

"Hinde," sagot ko, napasimangot naman siya. Aba! Wag nga siyang gumanyan!!! /whispers/ ang cutie kasi...

"Really? Can I force you to go? For me??"

DUG DOG DUG DUG DUG DOG DUG DOG DUG DUG DUG DOG DUUUUUG

Nagpuppy eyes pa siya kaya naman napairap nalang ako! Bwiset wag nga siyang gumanyan!! Mukha siyang bakla eh. Hhh sarap hampasin ng rugby!

"Hindi nga sabi!" sabi ko ulit at inirapan ko ulit siya.

Hinawakan naman niya ang wrist ko at naramdaman ko bigla ang pag-init ng pisnge ko. Lagi nalang!!! Nakakainis na.

"Please?"

DUG DOG DUG DUG DOG DUG DOG DUG DUG DOG DUG DOG DUUUUUG

TIGIL TIGILAN NGA NIYA AKO DIYAN SA PLEASE NA YAN!!!

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon