Chapter 34 (Justin's Move)

612 16 7
                                    

Hello! Tori on the side:)

--

Justin's POV

Buti pa sina Jade sembreak, ako may trabaho pa. Sarap ng buhay estudyante eh.

Naligo na ko at nagsuot ng uniform namin sa office. Inet na inet tapos nakalongsleeves, nako! Mapapawisan ang gwapo kong mukha at mabango kong katawan #pogiproblems

"Hit the ground hit the ground oh oh

Only sound only sound that you hear is no

You never saw it coming

Slipped when you started running"

Kumakanta na naman tong baby bro ko. Araw araw na ata tong good mood eh, gawa talaga ni Axe kaya siya masaya!! Dalaga na si baby bro.

"Jade, kaaga aga ang ingay mo! Tahimik nga, nakakastress yang boses mo. Tsaka himala at maaga kang nagising ngayon ah"

Patabaing baboy kasi si Jade, mga alas diyes na yan nagising tapos kain pa ng kain. Eh 7am palang ngayon tapos gising na gising na siya!!

Niloloko ko lang 'to na nakakastress ang boses niya. Magaling naman tong kumanta eh, andami pang instruments na kayang tugtugin. Daig ang kagwapuhan ko.

"Pake mo kung maaga ako nagising, palibhasa lampa ka. Tsaka, wag mo ngang pakielaman ang mala Taylor Swift kong boses. Mas nakakastress pati yang boses mo, lagong na lagong" bumelat pa. Itong batang to!

"May date kayo ni Papa Axe mo no? Yiie kilig bagang niyan!" pang-aasar ko. Namula naman siya tapos inirapan ako.

Kumakain ako habang nakikipagusap sa ampon na to. Ansarap ng pagkain, hotcake na naman -___- paborito ata ito ni Jayce eh. Okay lang, basta may mailaman lang sa tiyan ko, paniguradong pagod na naman ako sa trabaho idagdag pa ang problema ko sa boss ko. At malamang magyaya na naman si Ginger na mamasyal.

"Tumigil ka kuya! Ipakasal kita diyan kay luya eh. Magkaanak pa kayo ng patatas niyan. Psh. Umalis ka na nga, nakakasira ka ng umaga ko."

Pinagtulakan pa ako hanggang sa may pintuan namin. Napaka bastusen talaga ng kapatid kong to, gusto ko pang kumain eh!

"Oh Justin, aalis ka na?" Tanong ni Mama na mukhang paalis rin, may dala-dala siyang isang suitcase, for sure mga papeles na naman yun. Kastress ang trabaho ng nanay ko.

"Opo Ma, san ka papunta? Hatid na muna kita" oha, ambait kong anak. Mabait na, gwapo na, matalino na, matangkad pa! Hah.

"Dun na lang sa building nina Mr. Wilson, may paguusapan kasi tungkol dun sa bagong proposal nung isang pang business partner namin. Dapat matapos yun ngayon, pupunta na kasi bukas ang Wilson family sa states eh." andaming sinabi ni Mama, nagtatanong lang ako kung saan eh.

Pero Mr. Wilson daw hehe

"Ah, kala ko iaarrange marriage niyo si Jade at Axe." sabay tingin kay Jade na nasa may pintuan pa rin

Pinagbuksan ko ng pintuan si Mama

"Narinig ko yun ah! Lumayas ka ngang lampa ka! Hoy mama, bilhan mo akong cheeseburger at fries ha yung pinakamalaki, babay!" Narinig lang pangalan ni Axe eh.

"Ay kaso, pupunta raw States sila Axe. Aww, kawawa ka baby bro."

Lalo naman siyang namula sa galit.

"Bwiset ka! Wag kang magpakita sakin kailanman. Hahampasin kita ng pabalik pabalik makita mo!"

Tinawanan ko lang siya tapos lumabas na ako ng bahay.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon