Chapter 24 (It's Just Too Much)

885 22 9
                                    

--

Jade's POV

Gutom na ako.

Tiningnan ko yung cellphone ko,10:59 (di nga kasi ako nauusuhan ng relo)

Jusme -___- isang minuto nalang lunch na. Nakakainip lalo.

Tinitigan ko lang yung cellphone ko, bakit parang bumabagal ang oras?!? Kung kelan naman isang minuto nalang ang natira saka bumagal, bwisit naman.

"Hoy! Makinig ka sa prof." ay! May itak.

"Pwede ba, isang minuto nalang lunch na. Gutom na ako kaya manahimik ka dyan."

Tumawa naman si Axel. Yung totoo? Ako ba ay clown? Lagi nalang akong pinagtatawanan nito -____-

"Class dismissed"

Nagpuso puso naman ang tenga ko pagkarinig ko nun. Ah sa wakas! Sobrang gutom na ako!

Lumabas na ako ng room at nagdiretso sa caf, nakita ko naman si Chez at Harper na nakaupo. Buti naman at may kasama ako, ayoko nang makipaglunch kasama si Zoey at Clarence, masyadong nakakakaba!

"Sister! Antaray ng hairdo! Kaloka." bungad ni Chez sakin, ang ganda ko talaga ano? Wahahaha anong connect?

"Alam ko bakla. Sige,order lang ako."

Pumila na ako at bumili ng makakakain, pabalik na ako sa table namin nang nakasalubong ko si Zoey.

"Uy! Sabay ka na samin maglunch?" tanong niya with matching smile.

"Hindi na, kasabay ko sila oh." tapos tinuro ko yung table namin kung san andon si Harper at Chez.

"I'm sure they won't mind, right? Lunch lang naman eh."

Aba! Biruin mo, isa't kalahating makulit din pala to -___- tsaka, nahihiya na talaga ako sakanya.

"Wag na talaga. Sa kanila nalang ako sasabay"

Pero, persistent siya! Ang kulet! Jusme. Pasalamat talaga siya dahil mabait siya kundi masasapak ko to ng wala sa oras.

"Pleaaaaaase. It's so nice kasi to have lunch with you, ansaya mong kausap"

Seryoso ba to? Di nga ako naimik pag kasama ko sila ni Clarence eh! Pero baka dahil yun sa kahapon, nakipagdaldalan nga pala ako dito kahapon. Eh iba naman yun! Kami lang yun, eh ngayon kasama niya si Clarence, malamang hindi na naman ako makakaimik nun dahil natatakot ako na baka makit ni Clarence ang ngala ngala ko.

"Ah--"

"I'll take that as a yes!" tapos hinila niya ako!

What the what!? Di pa ako nakakaimik, pumayag na agad ako!? Walanjong Zoey to, kung kaugali to ni girl ipis, nasuntok ko na to. Atska,haller? May dala kaya akong tray ng pagkain, buti nalang hindi natapon yung nakalagay dun sa tray, kundi sayang na naman ang pera ko -____-

Pinaupo niya ako sa harap niya, bale kaharap ko siya tapos katabi niya rin si Clarence :/ Hindi ba pwede na ako naman ang tumabi kay Clarence? Heh, malamang hindi! Asa ka pa, Jade!

Nakita ko naman si Harper na nakatingin samin na nagsasabing "bat ka andyan?"

Tinext ko nalang siya at sinabi kong makulit si Zoey at di papaawat.

Nagsimula na ko ng tusukin ng tinidor yung pagkain ko. Ano ba? Kinakabahan na naman ako! Baka makita ni Clarence yung ngala ngala ko, kakahiya.

"Uhm, babe. Pasan nga tayo sa Saturday?" nagpantig naman yung tenga ko dun sa narinig ko!

Pasaan silaaa?!? Anong gagawin nila doon?!?

"Sa subic, pinapasama ka kasi ni mommy sa family trip."

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon