Chapter 56 (Don't Go)

137 10 1
                                    

--

Jade's POV

Tumitig ako sa salamin at sinuklay ko ang buhok ko. Hay nako, humahaba na talaga ang bangs ko. Kinuha ko yung pamuyod sa table at tinali ko ang buhok ko. Hayaan ko nalang muna yung bangs, kita pa naman ang mata ko eh.

Kinuha ko yung bagpack ko at lumabas na ako ng kwarto. Sabado ngayon at syempre, walang pasok. Gusto ko lang magpahangin kaya aalis ako ng bahay.

"Ma, labas lang ako." paalam ko kay mama tapos lumabas na ako ng bahay at sumakay na ako sa kotse ko.

Nakauwi na rin si mama kahapon, akala ko nga kasama na niya si ate kasi tatlong linggo na ang nakalipas simula nung nagpunta siya sa New York, pero yun pala, nagpunta ulit sa Japan si ate. Ay nako, napaka layas.

Pinaandar ko na ang kotse at nagsimula na akong magdrive. Ewan ko kung saan ako pupunta, siguro magfoofood trip nalang ako mag-isa. Gusto ko lang kasi talagang mag-isip. Ilang araw na rin kasi akong wala sa wisyo at laging tulala.

Alam niyo ba yung pakiramdam na parang may kulang? Oo nga at nandiyan ang family ko at ang aking mga berks ft. Yazelle, pero ramdam ko talaga na parang may butas pa na hindi kayang matakluban. Oo, si Axel yun. Wala akong balita sakanya. Yung pagcoconfess ko, yun na ang huling kita ko sakanya. Halos isang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin siya nakikita at nakakausap. Hindi kasi siya pumapasok at hindi rin naman siya nag oonline sa facebook o kaya sa twitter. Pero sa tingin ko, ayos din na hindi ko siya makausap. If I want to move-on, then ignorance is the first step, right?. Tsaka diba, gusto niya naman na iwasan ko siya? And I promised myself that I'll do that.

Nagpatugtog ako sa kotse para naman hindi masyadong tahimik. Hay, Taylor Swift for my mood.

Napabuntong hininga nalang ako nung natapos yung kanta. Anlungkot ko na nga, andrama pa nung kanta. Pinatay ko na ang engine ng kotse at lumabas ako. Nagpunta ako sa isang park. Kaso bwiset talaga, eto kasi yung park kung saan nabuo yung deal namin. Aba, ay eto lang naman kasi ang alam kong lugar na mapayapa.

Nagpunta ako sa mga food stalls, andami pala talagang pagkain dito. May mga burgers, fries, hotdogs, pero syempre street foods ang pinakamarami.

"Ate, magkano to?" turo ko dun sa mga stick ng isaw.

Napatingin sakin yung magtitinda tapos nginitian niya ako.

"Dos isa. Ano, bibili ka ba?" masayang tanong ni ateng.

"Opo, pabiling bente pesos." tinanguan naman ako ni ateng tapos nagbalot na siya ng sampung pirasong isaw. Ah, excited na akong kumain neto. Ngayon nalang kasi ulit ako makakapagisaw eh.

Inabot ko na yung bayad ko tapos kinuha ko na yung plastic ng isaw.

Naghanap pa ako ng ibang food stall habang kinakain ko yung isaw, sakto naman dahil pagkaubos ko nung isaw, namataan ko yung mamang nagtitinda ng ice cream. Ay masarap to!!!! Sorbetes!!

Agad akong tumakbo papunta dun sa mamang nagtitinda.

"Manong, isa po." sabi ko tas nag-abot ako ng bayad. Aaah! Feel ko ay bata ulit ako eh! Kakain ng street food tsaka ng dirty ice cream. Ngayon kasing college, halos puro stress at puyat nalang. Buti talaga at naisipan ko tong gawin, atleast kahit papaano ay nabubuhayan ako ng dugo.

Binigay na sakin ni manong yung ice cream ko tapos sinimulan ko na yung kainin. Ewan ko ha, pero para talaga sakin ay dirty ice cream ang pinakamasarap. Hahaha, sarap na sarap talaga ako dito eh.

Nilibot ko pa yung park at nakakita ako ng stall na nagtitinda ng lugaw. Wow ah, ilang pagkain ba ang meron dito?

Nagpunta ako dun at bumili ako.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon