Chapter 53 (The Last Time)

189 13 1
                                    

--

Jade's POV

Nalulungkot ako.

Bakit ganon? Ambilis masyado ng lahat. Kakarealize ko lang ng mga nararamdaman ko kay Axel, tapos bigla kong malalaman na mahal ako ni Clarence. Aba, eh ginagago ako ng buhay. Bahagya na nga akong nakamove-on tapos ganon pa ang nangyari. Don't get me wrong ah, wala na talaga akong nararamdaman kay Clarence, ang sakin lang, bakit kung kelang mahal ko na si Axel ay saka naman siya nagsabi ng mahal niya ako? Bwiset, nakakabobo talaga -____-

Tapos, dahil diyan sa pesteng irregular heartbeats, hindi ako masyadong makalapit kay Axel. Naiilang kasi ako na kausapin siya habang nagwawala yung heartbeats ko, ayun kaya sa dalawang linggong nakalipas eh halos limang beses palang kami nag-uusap ni Axel. Hay nako talaga.

Isa pa, galit ata sakin si Zoey. Nalaman niya kasi na ako yung "iba" ni Clarence. Nakakainis, feeling ata niya eh nilandi ko yang si Clarence. Jusko! Ni hindi nga ako nun pinapansin nung tao tapos iisipin niya na nilandi ko yang Clarence na iyan!? Aba, ay magaling.

Si Clarence? Ayun, nakakainis. Minsan sunod ng sunod sakin, nagvovolunteer na magdadala raw ng gamit ko, ihahatid daw ako sa room. Ala! Ayoko -____- hindi ko na nga pinakinggan yung explanation niya, oo na at medyo bastos dahil hindi ko siya pinakinggan. Eh ano pa bang sense kung papakinggan ko siya? Wala namang magbabago diba? Hindi naman nun maibabalik yung anim na taon na nasayang eh. Kaya, mas pinili ko na wag nalang siyang magexplain, wala na rin naman kasing magbabago.

Pati nga kila Harper eh, naawkwardan ako. Kasi, ayokong mag sinungaling sakanila. Alam ko naman na masesense nung mga kaberks ko na malungkot ako, magtatanong sila kung bakit. Ayokong magsabi ng hindi totoo kaya mas pinili ko nalang na umiwas.

Sa bahay naman, wala si ate diba. Tapos, ang nanay ko ay pinuntahan din si daddy kaya kami lang ni kuya ang natira sa bahay. Hindi rin ako masyadong nakikipaginteract kay kuya Justin, baka mamaya eh masabi ko bigla tong mga kabwisetan sa buhay ko. Edi masasabi nun kay Tori! Wag na, madadamay pa sila sa gulo ko eh.

Haaaay nako -____-

Nagbuntong hininga ako at nakinig nalang ulit sa prof.

"What's wrong? Kanina ka pang spaced out ah."

DUG DOG DUG DUG DUG DOG DUG DUG DUG DOG DUG DOG DUUUUUG

Diba! Walangyang heartbeats to -___-

"Ah, may naisip lang ako." sabi ko ng mahina.

Tumingin ako sakanya at tumango lang siya tapos nilipat na yung atensyon niya sa unahan.

"Class dismissed"

Pagkasabi nun ng prof, agad akong tumayo at nagsakbit ng bag at lumabas na ako sa room.

Pagkalabas ko, nakita ko si Clarence, nag-iintay doon. A'ah.

"Jade, let me help you with that." lumapit siya sakin para kunin yung backpack ko. Aba -___-

"No, kaya ko na." sagot ko

Nginitian naman niya ako tapos umiling iling.

"Pwede bang kahit yung pag-aalok ko ng tulong, tanggapin mo naman?"

Napatingin ako sakanya. Oh, kaya ko na naman kasi eh, para bag na magaan lang, ipapadala ko pa ba? Wag na oy.

"She already said no. Isn't that enough? Psh."

DUG DOG DUG DUG DUG DUG DOG DUG DUG DUG DUG DOG DUUUUUG

Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Axel. Tss, awkward.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon