Chapter 21 (Sisterly Love & Step Three)

1K 18 3
                                    

--
Jade's POV

Lalalala... nginitian ako ni Clarence. Ahihihi, ganito pala ang feeling ng naheheaven. Ganito pala kasayang kiligin, nakakakilig talaga ang pagngiti ni Clarence! A'ah feel ko tuloy ay ang ganda ganda ko wahahahahahaha.

Pumasok ako sa pinto ng bahay namin na ngiting ngiti! Weeeeee. Sobrang nagoogood mood ako ngayon :")

"Hi kuyaaaa! :)" nagulat naman si kuya, dahil siguro masaya ako. hahaha. Aba, bakit, bawal na ba akong maging masaya?

"Nangyare sayo? Naka drugs ka ba?"

kung matatawag mong drugs ang pagngiti ni Clarence, edi nakahithit ako! Hahaha, joke lang. Sadyang sobrang kinikilig lang ako kaya ako ngiting ngiti :D

"Grabe ka naman kuya, hindi naman." nilampasan ko si kuya na gulat na gulat, rinig ko pang sabi niya.

"Wow. Hindi ako sinuntok. May sakit na ata 'tong baby bro ko."

Minsan talaga, ang taeng mag-isip ni kuya. Pero, yae na, sobrang naheheaven talaga akooo! :>

Nagpunta ako sa dining room dahil kukuha ako ng tubig sa ref, pero nakita ko si mama, parang may ginagawa na salad.

Pinuntahan ko si mama at binati ko :)

"Hi mama! :D"  sabi ko na sobrang ngiti.

"Woah. Someone's in a good mood today."

Nakakapanibago ba talaga na ibang iba ang mood ko ngayon? Grabe pala talaga ang epekto ng simpleng pag ngiti ni Clarence sakin hihi.

"Hehehe. Mama, asan po si ate?"

Nasaan nga kasi si ate? Kasi diba, nakauwi na siya, eh wala naman siya ngayon sa bahay. Hmmm, asan kaya siya? Miss ko na ang maganda kong ate!! :>

"Ah, nasa bahay ng kaibigan niya, dun daw muna sya tutulog. Bukas pa ang uwi."

Ay, nakakalungkot naman yun :( Hindi ko pa ulit nakikita ang ate ko.

"May pasalubong sakin? Hehe"

Lagi kasi akong pinapasalubungan ni ate eh kaya sobrang looooove ko siya <3 <3 <3

"Meron. Kuhanin mo kay Justin." nagpunta ulit ako sa sala, andun si kuya Justin,nanunuod ng national geographic channel. Ang galing talaga ni kuya, puro mga shows na pandagdag ng kaalaman ang pinapanuod, kaya sobraaaaang idol ko siya eh! <3 <3 <3

"Kuya kong gwapo, asan ang pasalubong ni ate?"

Tumingin naman sakin si kuya, at sobrang nanlaki ang mata niya! Gwapo talaga ng kapatid ko!

"May nangyari talagang iba sayo ngayon. Tingnan mo, di ka na nagsisinungaling, sinabi mo na na gwapo ako." tapos pinitik niya yung noo ko, sus papitik pitik pa to.

"Asan ngaaaa?" tapos niyakap ko yung braso niya.

"Yuck Jade, ano bang nahithit mo!? Ang dikit mo! Para kang ahas eh, kaya naman pala Serpentine ang pinangalan sayo ni mama. Pulupot ka ng pulupot kung saan saan."

Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko kay kuya :>

"Akin na yung pasalubong ni ateeee." inilayo niya ako sakanya at pinitik yung noo ko.

"Eto na, kukuhanin ko na. Wag na wag mo na ulit akong yakapin!"

tumayo naman si kuya tapos kinuha yung keychain na nakapatong sa ibabaw ng bookshelf.

"oh eto." binigay niya sakin yung keychain na nakasulat na I LOVE JAPAN

Ang cute naman nitooo! Ang cute cute cute! Napaka galing talaga ng taste ni ate! <3 <3 <3 <3

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon