Chapter 44 (Bagsik ni Barney)

371 15 17
                                    

--

Jade's POV

DECEMBER NA!!! KONTI NALANG AT CHRISTMAS BREAK NA!!

Naglalakad ako sa hallway nang mapansin kong naka kumpol yung mga babae sa may bulletin board. Aba, anong trip ng mga to at nagsisiksikan sila dun?

Lumakad ako papunta sa may bulletin board, baka kasi mamaya tungkol pala sa grades yun ano. Aba, nagsisipag na talaga ako ngayon.

Paglapit ko doon, rinig na rinig ko ang usapan nung mga babae. Nako, hindi naman pala tungkol sa grades yung naka paskil eh -___- hindi ko pa nababasa yung nasa bulletin board pero halata naman na hindi yun tungkol sa grades dahil rinig na rinig ko ang pagkakilig nung mga babae. Alangan namang kiligin sila sa grades ano? -____-

"Cole is so cool!" sabi nung isa

"Omg Axe!! Excited na ako sakanya!" sabi naman nung isa pa. Aba at ano namang kinalaman nila Axel at Cole dito!?

"Harp too! Ang gagwapo nila, sure!"

What the -____- pati si Harp napasama na rin!! Ano ba kasing meron!?

Nakisiksik ako sa lupon ng mga babae doon. Tae ansikip -___-

"Ipod nga!" sigaw ko dun sa mga babaeng nakasiksik. Kanina pa atang nandito tong mga to, ayaw pang magsialis nakakabadtrip eh.

"Ugh, she's the girl who's always with Axe. Ayokong makita silang magkasayaw." 

Aba at talaga namang -___- bakit naman ako sasayaw!? 

Tiningnan ko ng masama yung babaeng nagsabi nun. Ngumiti naman siya ng pilit tapos umalis na. Yan, dapat sainyo hinahampas ng rugby eh.

"Alis naman, titingnan ko yung nakapaskil eh! Kanina pa kayong nakakumpol diyan, lumayas nga kayo!" sigaw ko dun sa isa. Kabadtrip eh. Buti naman at natakot sa sigaw ko kaya umalis na siya.

Nung nasa may harapan na ako ng bulletin board, halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko.

Pwet! May inoorganize nga pala na activity ang Adamantite Student Council tuwing December, at after nung activity na yun, eh christmas break na. Eh bakit ganito ang naisipan na activity ng student council!?

Binasa ko ulit yung nakapaskil at halos masuka na ako -____-

Eto lang naman yung nakalagay.

What: Adamantite Christmas Ball

When: December 14, 20**, 6pm

Where: Blue Galaxy Palace

Attention students! Adamantite's annual Christmas event is now approaching. Wear your best gowns and tuxedos and feel the love this Christmas. -Cole Flores (President, Adamantite Student Council)

Putek parang prom lang ang activity -____- buti pa dati, nanuod lang kami ng isang Filipino band. Eh ngayon, Christmas Ball!? Ano namang gagawin ko dun? Hindi nga ako naka attend ng prom nung highschool eh tas ngayon may remake ng prom!? Ay hindi ko yan gusto.

Lumayo na ako doon at naglakad na ulit papunta sa open field. Ansaya lang dahil wala na akong klase ngayon.

Naupo ako sa isa sa mga bench dun at kinain ko yung binili kong sandwich.

"Hey Jade, kamusta?" halos mabilaukan naman ako nung nakita kong tumabi si Cole sa akin.

"Oy Coca Cole-aah" sabi ko, napatawa naman siya.

"Naalala ko tuloy dati, you thought my name was Coke hahaha."

Napairap nalang ako bigla. Napaka binge ko kasi nun! Nakakahiya -____-

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon