Chapter 32.1 (Best of Nineteen)

680 15 1
                                    

WanderingVeronica's Note:

Hello! HAPPY 15K READERS!! WEEEE THANKYOU THANKYOU PO.  Sana po ay suportahan niyo pa ang Closed Doors. WEEEE YEHET!

--

Jade's POV

Bwiseeeet

Kagigising ko palang pero yung tiyan ko, jusmiyo. ANSAKIT.

Nagtatakbo ako papunta sa banyo ko at naglabas ng kailangan ilabas nang marealize ko, BIRTHDAY KO PALA!!!! WOOOH BIRTHDAY KO BIRTHDAY KO!! NINETEEN NA AKO. YEHET!~

Heh, ano kayang regalo sakin ni mama, ni ate, ni kuya at ni daddy? Tiningnan ko yung relo at 7 palang. Aba, kaya naman pala medyo inaantok pa ako eh nakakainis naman yung tiyan ko eh, nagdedelubyo! Napaaga tuloy ang gising ko.

Excited akong bumaba at ineexpect ko na may malaking breakfast (kasi nga birthday ko, heh), pero nanlaki ang  mata ko nung nakita kong walang katao tao sa bahay.  

Okay :| Asan sila? Walanjo naman, birthday ko, tas iniwan akong mag-isa. Ang saya, tae -____-

Nagpunta ako sa kusina at nakita ko yung note dun sa table.

Jade,

May super ugent meeting ako ngayon eh. I already prepared breakfast. Happy birthday! Mamaya na yung gift mo ha.

-mama Sav

Wow, pinagpalit ng nanay ko ang birthday ko sa trabaho niya. Psh.

Pumunta ako sa may ref para kumuha ng tubig nang makita ko naman yung phone ko, may text galing kay ate at kuya

From: Ate Jayce    

Sissy! Very very sorry i cant celebrate w/ u tahday. I'm in an exhibit. What do you want? I'll buy you anything. Happy Birthdaay! :*

Di na ako nagreply. Eh ang gusto ko naman eh makasama ang family ko ngayong birthday ko, alangan naman pauwiin ko silang lahat ano.

Yung kay kuya naman ang binasa ko.

From: Kuya Justin

Baby bro, kelangan ako sa trabaho ngayon. Uwi ako ng mga 8pm. Anong gusto mo? Happy birthday!   

Di na rin ako nagreply. Tinabi ko na yung cellphone ko at uminom nalang ako ng tubig.

Okay, nakakapanibago. Sa lahat kasi ng birthday ko, kinakancancel ni mama lahat ng appointments niya, umuuwi nang maaga si kuya. Tapos dahil nasa ibang bansa noon si daddy at si ate, nag vivideo call sila. Hay.

Hindi ko na kinain yung almusal na hinanda sakin ni mama. Hindi dahil sa nagtatampo ako, kundi yung tiyan ko!! Sumakit na naman jusmiyo, nakasama ata yung pagkain ko ng marami kahapon!!

Dali dali akong tumakbo papunta sa cr at naglabas ng maduduming bagay. Grabe talaga, ansakit parin!!

Eto na ata ang pinakamasama kong birthday, wala ang family ko, nag l-lbm ako, ewan ko lang kung tanda pa nila Harper na birthday ko.

Pagkalabas ko sa cr, nakaramdam ulit ako ng pagsakit ng tiyan kaya naman pumasok ulit ako sa cr at alam niyo naaaaa. Nagpatanggal ako ng sakit ng tiyan huuu ansakit talaga!! -_____-

Yung mga pagkain ata kahapon ang may gawa kaya ako nagtatae ngayon eh. Napadami ang kain ko kila Axel.

-/////-

Bigla ko namang naalala ko yung kagabi, bwiset, bat ako kinikilig!?      

After ko kasi siyang batiin, niyakap niya rin ako at sinabing

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon