Chapter 31 (The Stars And How They Shine )

704 17 3
                                    

--

Jade's POV

Konting konti nalang talaga, sem break na. Aaah, dalawang exams nalang tapos 25 days na sem break! Whoo konting utot nalang.

Isa pa, birthday ko na bukas. Wow, tatanda na naman ako -____-

8am yung start nung una kong exam, heh ang galing ko talaga, 7:58 na kaya naman nagtatakbo na ako papunta sa third floor ng Science Building.

Sakto pagdating ko, wala ang prof. Yung mga kablockmates ko nagrereview. Grabe, wala na talaga akong buhay, kagabi dalawang oras lang yung pinag aral ko tapos nanuod na ako ng Adventure Time. Putek. Ano bang nangyayare sakin? Masipag naman ako ng konti nung highschool ako ah.

"Huy ready ka na?" tanong nung katabi ko. Sino ba to? Feeling close ha, di ko naman siya kilala.

"Hinde"

"Hala, ako nga rin, ang hirap pa naman" natural mahirap yan. Wala naman atang prof na madaling magpaexam eh.

Di ko na siya sinagot at naub-ob nalang ako sa desk. Inaantok pa ako. Jusko, 8:00 na nga ako natulog kagabi inaantok parin ako.

Biglang dumating yung prof at nagpaexam na. Tinitigan ko yung mga tanong at napatawa nalang ako. Bwiset, bakit wala akong alam na sagot!? Binasa ko ulit yung mga tanong at putek ipagdadasal ko nalang to.

After 2hrs, pinapasa na saamin yung test papers. Grabe talagang bwiset na papel yun. Helloooo singko!

Lumabas na ako sa room at nagdiretso sa caf. 1 o'clock pa naman yung sunod kong exam. A'ah mag-aaral na nga ako, kay prof tandang kalbo pa naman yun -___-

Pumwesto ako sa isang bakanteng table sa pinaka sulok. Ayoko dun sa matao, mag-aaral ako.

Habang kumakain ako at nagbabasa, may lalaking nagpatong ng tray sa harapan ko. Aba sino ang walangyang to na naglakas ng loob na tumabi sak--

"Pashare ng table, eto nalang yung maluwag eh."

Pagtingin ko dun sa lalaki...

okay -/////-

"Ah, s-sigee."

Bakit ako pumayag?

EH KUNG SI CLARENCE BA NAMAN ANG MAKIKISHARE, TATANGGI PA BA AKO!!????!!?!?? ABA, EH HINDI ANO!!!!

Hindi ko ngayon maibuka yung bibig ko, di ako makakain. Bwiset. Heh, atleast nasa harapan ko siya hehehehe landeh.

Wala na akong lakas na magsubo pa ng pagkain kaya, nag-aral nalang ako.

Tinapat ko sa mukha ko yung libro ko at nagsimulang mag basa.

"What's your course?"

OH SHET OH SHET. NAGTANONG SIYA. KINAUSAP NIYA AKO.

Lord, eto po ba yung birthday gift ko? Napaaga naman pero sobrang ayos lang! Yiiiieeeeh! <3 <3

"B-biology"

"I see, gusto mong maging doctor?"

TAE KINAKAUSAP NA NGA NIYA TALAGA AKO!!!

Lord, eto na nga po ata yung regalo ko hihihihi thanks <3

"P-pwede r-rin, b-baka mag med s-school ako a-after" tumango lang siya tapos kumain na ulit. Yiiiieeeeh! Kinikilig ako. Jusko, ano bang magic ang meron tong si Clarence at kahit ako ay napapakilig??

Binasa ko lang yung textbook ko pero pasulyap sulyap kay Clarence habang nakain. Antagal naman netong kumain! Heh, baka pinapatagal para makasama ako :")

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon