Chapter 46 (Christmas Boyfriend)

337 15 18
                                    

WanderingVeronica's Note:

Hello!! Guys, iba muna ulit ang pagtuunan natin ng pansin, okay? Hahaha. Enjoy! :)

COLE------->

--

Cole's POV

Aaaaah! Christmas break na and the weather today is so nice. Hindi mainit, hindi rin malamig. Katamtaman lang. Nakakatuwa, I like this kind of day.

Naglalakad ako pabalik sa condo ko ng biglang magring ang phone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Calling....

Mom

Oh. What does she need? Sinagot ko yung tawag at naglakad na ulit.

("Cole! I miss you.") 

"Yeah. I miss you too."

("Baby, kelan ka ba makakauwi?")

Pinipilit na naman niya akong puntahan siya sa Tagaytay. Ayoko nga, buti sana kung andun din si daddy eh wala naman dun si daddy. Separated ang parents ko at may bago na silang kinakasama.

"Mom, I told you that I'll stay here during my break."

("Pero baby, magpapasko na and I haven't seen you for like 3years.")

Yes, naghiwalay ang parents ko 3yrs ago. And I live by myself for 3yrs. Halfway of my last year in highschool ako, mag-isa na ako.

"3yrs na po akong sanay mag celebrate mag isa ng pasko."

That's right, every Christmas, I'm alone, eating noodles and cuddling with my pillow.

("Naman, Cole, wag kang ganyan. Kaya nga pinapapunta kita dito eh. Pagbigyan mo na ako.")

Nagbuntong hininga ako. Ayoko talaga.

"Sorry mom. Pero, bakit hindi kayo ang magpunta dito sakin?"

("Alam mo naman na busy ako sa trabaho ko.")

"Then, busy din po ako sa pag-aaral. I'm gonna hang up now. Bye mom, ingat kayo diyan."

Tinapos ko na yung tawag at binalik sa bulsa yung phone ko.

Ayokong magpunta kay mommy kasi pagnalaman yun ni daddy, malamang magagalit siya kasi hindi siya ang pinuntahan ko. Mag-aaway na naman sila ni mommy. Magkahiwalay na nga sila, nag aaway parin. Pinag-aagawan kasi nila ang atensyon ko, kung hindi nalang sila naghiwalay ano? Edi wala ng dapat pag agawan.

Nasa Davao naman ang daddy ko. Andun siya sa bago niyang asawa at mga anak. Si daddy ang nag papaaral sakin. Si mommy naman ang taga bigay ng allowance pero lagi paring nilalagyan ni daddy ng pera ang bank account ko. Yun, yun lang ang benefit ko sa paghihiwalay nila, dalawa ang tagabigay ko ng allowance.

Nasa tapat na ako ng pinto ng unit ko ng may narinig ako na nasigaw dun sa katapat ko na unit.

Hey, unit to ni Michaela ah. Ano naman ang nangyari at nasigaw siya? Seems like she's talking to someone. 

Lumapit ako ng konti sa may pintuan niya at pinakinggan ko ang pinag-uusapan nila, hindi naman sa nangingielam ako pero kasi ang lakas na ng sigaw niya, baka mamaya may kung ano na palang nangyayari sakanya.

"Mom for the last time, hindi ko susundin si tita!! Ayoko na po! She's introducing me to different guys everytime we meet up. And freaking hell, ayoko naman ng mga pinapakilala niya sakin!"

Woah. By the tone of her voice, sobrang galit siya. And wow ah, eto na ata ang pinaka mahaba na pagtatagalog ni Michaela. Madalang kasi siyang magtagalog eh.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon