Chapter 33 (Ginger)

633 12 7
                                    

WanderingVeronica's Note:
Heyo! Haha break muna kila Axe at Jade ha? Tutal sem break naman nila, kaya iba muna ang pagtuunan natin ng pansin, okay? Hahaha. Enjoy!

Kuya Justin on the side:)

--

Justin's POV

"I'm feeling twenty twoooooo,

everything will be alright if you

keep me next to youuuuuuu~"

Nasa labas palang ako, rinig na rinig ko na agad yung boses ni Jade, himala good mood ata yon ngayon! Nakakatawa nga siya kagabi eh, magkasama sila ni Axe, tapos umuwi na siya ng mga 11pm at ngiting ngiti pa! Napaka weird pa dahil tingin ng tingin siya dun sa suot niyang bracelet na ahas, regalo ata yun ni Axe sakanya eh. Ganap na babae na ata talaga tong baby bro ko.

"Justin, who is singing?"

Sabi nung kasama kong babae.

"Kapatid ko, si Jade."

Nginitian naman niya ako.

"Makikilala ko na rin siya, finally!" ngumiti nalang ako at pumasok na kami sa bahay.

"It feels like a perfect night,
you look like ba--"

Napatigil sa pagkanta si Jade tapos tiningnan niya ako.

"Oy kuya." bati sakin ni Jade, napatingin naman siya dun sa katabi ko at mukha siyang nairita. Nako, sinasabi ko na nga ba eh.

Tiningnan niya ng mabuti si Ginger, at mas lalo pa siyang nairita! Sinasabi ko na nga ba eh.

"Miss, kung sino ka man, intay lang ah. Hahambalusin ko lang tong kapatid ko!" tapos hinila niya ako at dinala sa may pinto ng kwarto ni Jayce, malayo layo yun kay Ginger.

"Tae, kuya. Sino naman yung babaeng yun!?" galit niyang tanong.

Bumukas naman bigla yung pintuan ng kwarto ni Jayce. At lumabas si Jayce, naingayan na naman to kay Jade.

"Hoy ate, tingnan mo nga yung babae doon sa sala!" sumilip naman si Jayce at nangunot ang noo niya.

"Who is she? She looks umm...Well, she looks...Oh my god why can't I find anything nice to describe her? I am being so mean huhu"

Naginarte na naman tong kapatid ko -_____-

"Eh wala naman kasi talagang kadescribe describe na maayos dun sa babaeng yon, sino baga yon ha kuya!? Sino yun? Sumagot ka!"

Eto na nga ata ang tamang oras para sabihin sa kanila ang totoo.

Nagbuntong hininga ako at sinabing..

"Si Ginger, girlfriend ko."

Nanlaki bigla ang mata ni Jayce at ni Jade. At kitang kita ko na sobrang nagliyab sa galit ang mata ni Jade.

"PUTEK KUYA. AKALA KO BA SI TORI ANG GUSTO MO??? WALANGYA NAMAN OH, BAKIT NAGING GIRLFRIEND MO YANG GINGER NA YAN?? SI TORI MUKHANG DIYOSA, TAS YAN PARANG PATATAS. KUYA NAMAN, AKALA KO BA MAY TASTE KA??!?? BWISET TO, KAYA NAMAN PALA IRITANG IRITA SAYO SI TORI EH. EH NAKAKABWISET KA NGA!! NAPAKA PAASA MO BWISET. HAMPASIN KITA NG RUGBY EH. ISA KANG MALAKING PAASA, DAPAT SA'YO BINIBITIN PATIWARIK. BWISET."

Alam kong galit sakin si Tori, ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi naman niya sinasagot, nalaman niya kasi na may girlfriend na ako eh sinabi ko sakanya na may special feelings ako para sakanya, kaya ayun, nagalit sakin. Hindi ko rin naman ginustong maging girlfriend si Ginger eh. Kasi, kung may magagawa ako, si Tori at si Tori parin ang pipiliin ko, mahal ko yun eh. Isa pa, totoo lahat ng sinabi ko sakanya about dun sa special feelings ko.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon