Chapter 36 (Taming Her)

553 14 1
                                    

WanderingVeronica's Note:

READERS!! HAPPY 20K!!!! EMEGESH. Dahil diyan, lahat kayo may virtual hug mula kay Axe yieeeeh! Salamat po talaga. Sana ay suportahan niyo pa ang Closed Doors :)

Tori on the side->

--

Tori's POV

Second day pa lang ng pagpapahirap ko kay Justin. Chineck ko uli yung journal ko para tingnan kung anu ano pa ang di namin nagagawa. Bakit parang ang lame naman ng mga naisip ko? Nakakainis naman eh. Psh yung una na nga lang gagawin muna namin. Naeexcite ako, adventure kasi eh.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ko si Justin.

To: Justin

Where are you?

Kanina ko pa siya inaantay eh, magteten na ng umaga at sa pagkakaalam ko never siya nalelate, 8am kaya ang usapan namin. Hmph baka naman may balak na naman siyang paasahin ako. Ay, ano ba Tori, wag ka ngang paranoid.

Hay makapunta munang mall, bibili muna ako ng cupcakes. My all time favorite na dessert, ewan ko ba, masyado ata akong nasarapan dun sa cupcake na may violet na icing. Hindi naman ako mahilig sa sweets pero yung cupcake talaga pag natikman niyo for sure maaadik din kayo.

Nagayos lang ako ng konti at chineck muna ang phone ko, baka sakaling nagreply na si Justin, kaso wala pa rin eh. Dumeretso na lang ako sa mall. Hinanap ko agad yung store na yun. Nagkecrave na talaga ako. Nahanap ko naman luckily at oooohhh I really love this place, ang light ng ambiance. Nakakapagpagood mood. Para akong nasa Charlie and the Chocolate Factory, yun nga lang ang color sa paligid ay lavender, white and baby pink. Ansarap sa mata tingnan to.

Pumunta ako sa counter. At di ko pa nasasabi sa inyo na yung mga waiter at iba pang staff dito ay naka apron na ang cuuuute talaga! Color pink yung apron tapos may iba't ibang design na suuuuper cute.

Anyway, umorder ako ng 2 dozens na cupcake. Yung isang dozen ay yung favorite na flavor ko with the violet icing on top at yung isa pa ay assorted.

Umupo muna ako sa isang chair, para akong princess dito na nakaupo sa chair na may malaking sandalan. Kulang na lang ako ng tiara hihi.

I'm in the midst of day dreaming when someone caught my attention. Yeah, someone I TRUSTED but then again, he failed to make me believe that he is really sincere when he confessed his feeling towards me. Napakabolero, ang galing niya talaga manloko.

Aish, nakita ko kasi si Justin dito sa pastry shop na to na kasama yung girl na nakita ko rin na kasama niya dati. Sabi niya anak daw ng boss niya yun and binlackmail lang siya, but parang hindi? Parang ansaya niyang tingnan ngayon? Ngiting ngiti pa tong lokong to! Sarap sigawan ng 'Hoy yang gilagid mo!! Palabas na.'

Nakakainis ka talaga Justin! Pag nagkaroon na ko ng trust issues, primarily ikaw ang dahilan nun! And I really hate you right now! Bwiset ka, napapaniwala mo ko nung nagconfess ka, pinabilib mo ko nung nung nalampasan mo yung first day na pagpapahirap ko sayo. Tapos ngayon nadito ka lang sa mall at nakikipagdate! Pinaghintay mo ko ng dalawang oras, akala ko darating ka sa bahay. You stood me up just to flirt with someone. Nice Justin, you just gave me a reason not to believe in you anymore. Pinaasa mo na naman ako.

"Ma'am ito na po yung take out niyo, have a nice day" binigay na sakin nung server yung dalawang box ng cupcake pero sobrang badtrip parin ako.

"How can I have a nice day when it's already ruined? Tss, anyway thank you" sagot ko na lang, I sounded rude pero badtrip ako. Pati tuloy si kuyang server nadamay pa dahil diyan sa Justin na yan.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon