Chapter 37 (Magical Night)

520 11 30
                                    

--

Tori's POV

Three days na ang nakakalipas simula nung magbati ulit kami ni Justin. At sa tatlong araw na yun, natatakot ako na mangyari ulit yung pagiyak ko na yun. Na laging mali ang iniisip ko kaya ako rin ang nasasaktan. Praning ako masyado. Pero maayos naman ang kinalabasan ng tatlong araw na yun. Di lang kami nagkikita pa ulit dahil may work siya. Nakakahiya naman sa boss niya kung ako lang dahilan ng pagfafile ng leave ni Justin.

Ngayon, nakatambay lang ako sa kwarto at iniintay si Justin. Nagtext kasi kanina na magdedate kami since Saturday ngayon at wala siyang trabaho. Kahit kailan talaga eh napakabagal niyang kumilos, babae pa pinagiintay.

*knock knock*

Ay, may nakatok.

"Pasok po" sabi ko.

Nagbukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad sa harapan ko yung isa naming maid.

"Ma'am Tori, nadiyan na po si Sir Justin sa baba" habang sinasabi yun ni ateng, aba, ay smile na smile na parang mapupunit na ang lips! Medyo nagbublush pa siya ha. Kinikilig na naman siguro to, crush ata nito si Justin eh.

Tumayo ako sa kama ko at inayos ang dress ko.

"Sige po, bababa na ako" mas matanda siya ng konti sakin kaya dapat pa ring igalang. Wag nga lang siyang haharot sa harapan nung unggoy na yun kundi, makukurot ko siya.

Tumango tango si ateng tapos lumabas na ng kwarto ko habang smile na smile parin. Hay nako, bakit kasi ang gwapo niyang Justin na iyan? Kainis.

Bumaba na ako at nakitang nakaabang na si Justin sa may pintuan, naka blue na shirt lang siya atsaka maong na jeans, pero ang gwapo niya parin!!! Kaya naman pala kilig na kilig si ateng eh.

"You look stunning as always" sabi niya habang nalakad ako papunta sakanya.

Kinomplement niya ko sa lagay na yan. Stunning daw, ang OA naman hahaha. Nakasuot lang naman ako ng floral na dress, doll shoes at may shoulder bag.

"Parang patagal ng patagal nagiging bolero ka na ah?" panloloko ko sa kanya.

Napatawa siya tapos umiling.

"Di naman eh, I'm just stating a fact" neh neh fact ka diyan haha.

Lumabas na kami ng bahay at hinatid niya ako sa kotse niya at pinagbuksan pa ako ng pinto. Aba, anong nakain ng unggoy na ito at naging gentleman!?

"Gentleman na? Umaasenso na ang unggoy ah." pang-aasar ko. Nakakatawa kasi kapag naaasar siya, namumula siya ng konti. Wala, ang cute niyang tingnan.

"Gwapo eh"

What. Ano namang connect nun dun sa tanong ko!?

Napairap nalang ako tapos pumasok na sa kotse niya, siya naman ay pumasok na rin at naupo sa driver's seat.

Nagsimula na siyang magdrive.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Nakakacurious kasi, baka mamaya itanan nako nito, bawal pa, di pa ako graduate eh! JOKE! Tumawa kayo!! Bilis, mapatawa naman kayo!

"Secret. Matulog ka na muna. Medyo malayo ang biyahe eh" sabi niya habang nakatingin sa daan. Woah, focused.

"Pfft, secret secret pa." ngumiti lang naman siya doon.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Yan, nagutom tuloy ako.

"Gutom na ako, pwedeng mag drive thru tayo sa pinakamalapit na madadaanan?" tumango na lang siya. Focused talaga sa pagdidrive si unggoy eh.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon