Chapter 45 (Lost in Your Eyes)

347 14 22
                                    

WanderingVeronica's Note:

Vote & comment. Thanks :)

--

Jade's POV

Eto na. Christmas ball na. Sobra sobra ang nararamdaman kong kaba.

Tiningnan ko yung suot kong sapatos, agh paano kapag natapilok ako?

Napahawak naman ako sa buhok ko, tae paano kapag humangin mamaya tapos magkanda kalas tong braid ko?

Nakapa ko yung hikaw ko, bwiset paano kapag may nakadanggil mamaya dito at biglang sumabit sa damit nila?

Yung gown ko, paano kapag natisod ako dahil ang haba niya?

Ayoko naaa -____-

"Sissy, everything is going to be fine. Trust me."

Kakatapos ko lang kasi ayusan at nakaupo ako ngayon sa sofa, inaantay ko si Chez. Hah, nagvolunteer kasi siya na siya na raw ang maghahatid sakin papunta sa Blue Galaxy Palace. Syempre, may Harp na si Harper, may kuya Justin na si Tori at malamang, ihahatid ni Cole si Mich. Kaya ako nalang daw ang ihahatid ni Barney papunta doon. Antagal nga niya eh, nagpapagwapo pa ata -____-

"Sissy, stop fidgeting! I promise, you look amazing, but would you mind removing that snake bracelet? Medyo hindi bagay eh."

Umiling ako at pumunta sa may salamin. Pinagmasdan ko ang itsurahin ko, hmm. Magaling naman pala mag-ayos si Chi-chi. Aaminin ko, nagagandahan ako ngayon sa sarili ko.

Yung damit ko ay long gown na tube na light na light na blue ang kulay. May see through na tela simula sa likod hanggang dun sa kabilang gilid, pero hindi revealing dahil may puting lace na nakapatong dun sa see through na tela. Hanggang sa may dibdib yung lace. Tapos, may mga rhinestones dun sa lace kaya medyo makintab. Yan, tapos medyo fit yung baba nung gown.

Ang buhok ko naman ay naka side braid na medyo messy daw. Dahil mahaba na ang bangs ko, sinama na rin yun sa braid kaya kita na ang noo ko ngayon. May mga nakalagay pa sa buhok ko eh, parang mga diyamante. Ah ewan, basta maganda naman daw tingnan.

Tapos meron akong malaking hikaw na dangling. Parang snowflake yung design niya tapos may mga diamond. Hindi na ako pinagkwintas ni mama at ni ate kasi enough na raw yung hikaw.

Yung sapatos ko naman ay 5inches na pumps na kulay puti na maraming glitters. Nako, goodluck nalang mamaya.

"Anak, andito na ang sundo mo."

Napatigil ako sa pagtingin sa salamin nung sumigaw si mama. Oyes!!! Makikita ko na si Barney!!!

Nagpunta ako sa front door at bumulaga sakin ang isang gwapong dinosaur! Woah!! Nagtransform si Chez! Seryoso, ang gwapo niyaaa.

"Sistur! Ang ganda mo ngayon ah!" bati sakin ni Chez. Ang gwapo niya, pramis!

"Chez!? Omg, you look like a man." sabi ni ate.

"Ate Jayce superganda, I am still pretty ano hihi." ay ayon. Dino freak parin.

"Oy dapat Chester ka muna ngayon, wag Chez." sabi ko.

Umiling iling naman siya dun na parang nadidiri.

"Me no likey iww. Asan si Justin babes tita Savana ganda?"

Tumawa si mama tapos hinampas niya ng mahina si Chez. Nako mama, dapat ay nilalakasan mo! Joke.

"Na kay Tori, ihahatid daw niya papunta dun. Nako, dapat ay umalis na rin kayo. 6pm ang start right? Oh eh quarter na. Go! Alis na."

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon