Chapter 58 (Reset)

178 10 7
                                    

--

Jade's POV

"GUTOM NA AKOOO." sigaw ko pagpasok na pagpasok ko sa bahay. Pero, walang sumagot. Okay naman. Alam kong wala si kuya Justin dahil may trip siya papuntang Canada pero nasaan na naman ang nanay ko!?

Binaba ko sa sofa ang bag ko at hinanap ko si mama pero wala siya!! Nasaan na naman tong nanay ko!? Naglakad ako papunta sa dining table at may nakita akong note na nakapatong doon. Kinuha ko yun at binasa.

Jade, sorry kung hindi ako nakapagpaalam personally. Pumunta ako sa Japan hihi, two days lang naman ako doon. Opening kasi nung art workshop ni Jayce and kelangan niya ng motherly support <3 May pera ka pa naman siguro ano? May trip din kasi si Justin papunta sa Canada. Bye Jade <3 <3 <3
-Mama (ganda) Sav :">

Nagusumot ko yung note na sinulat ng nanay ko. Hindi talaga nauuso kay mama ang text at tawag eh. Laging nag-iiwan ng sulat kapag umalis. Ganyan talaga, old generation eh.

Pero....

Pero...........

NASA JAPAN ANG NANAY KO TAPOS TWO DAYS PA!!! WALA NAMAN AKONG PASOK NG FRIDAY TO SUNDAY, BAKIT DI PA NIYA AKO HININTAY!?!??? EDI SANA KASAMA AKO SA JAPAN. KABWISET NAMAN EH!!!

Pumunta ulit ako sa sala at naupo sa sofa. Kaines talaga. Atat na atat lagi tong nanay ko eh. Hindi pa ako nakakapunta sa ibang bansa kaiyak tapos yung dalawa kong kapatid, kulang nalang pati Africa puntahan. Nakakabwiset talaga! -_____-

Tinanggal ko ang sapatos ko at nahiga ako sa sofa. Heh, atleast akin tong bahay namin for two days. Ayos, makakapaggitara ako ng walang nanggugulo.

Tahimik akong nakahiga sa sofa nang biglang nagring ang phone ko, may tumatawag. Tiningnan ko kung sino yun at unregistered yung number kaya naman nireject ko na yung tawag. Di ko naman yan kilala, mamaya wrong number lang pala. Sayang lang effort ko sa pagsagot nung tawag.

Tumayo na ako sa sofa at umakyat na ako sa kwarto ko. Naligo muna ako tapos nahiga ako sa kama.

Napatingin ako sa kisame at napabuntong hininga ako.

Axel.

Pumasok na siya buong linggo. Ayos na ulit yung itsura niya pero may iba parin ng konti. Hindi ko lang magets pa kung ano yung nag-iba sakanya. Basta, may nag-iba talaga. Tsaka, hindi kami nagpapansinan. Wala, parang hindi kami magkakilala. Nagtataka na nga yung iba naming blockmates eh, bakit daw bigla nalang kaming hindi nagpapansinan ni Axel. Sinabi ko nalang na wala ako sa mood para kausapin siya. Yun naman pati ang gusto ni Axel eh, ang umiwas ako. Pero, miss ko na siya.

Nagvibrate ulit ang phone ko at may nagtext naman ngayon. Binuksan ko yung message at si Clarence lang pala -____- bwiset siya pala yung nagtetext sakin.

From: Clarence
Hello :) are u free tonight? Dinner, maybe? :)

Napairap ako pagkabasa nun. Hindi ba niya maramdaman na init na init sakin si Zoey!? I swear, sa tuwing nakikita niya ako sa campus, kulang nalang sabunutan niya ako. And if looks could kill, sobrang patay na talaga ako.

Tsaka, ang kulit ni Clarence!!! Sunod pa rin ng sunod sakin. Sabi nga ni Yazelle ay hayaan ko lang daw na magmukhang aso si Clarence, dagdag daw yun sa beauty points ko at bawas sa gwapo points ni Clarence (tapos sabi pa ni ipis, 'psh as if naman may gwapo points yang Clarence na yan.') Pero aggh medyo nabwibwiset na talaga ako.

Nireplayan ko siya.

To: Clarence
I'm not free bc expensive and busy and uninterested bye

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon