Chapter 49 ("Inaantok ka lang")

260 13 2
                                    

--

Cole's POV

And eto na nga, Christmas na. Tita Marinella invited us to have dinner at her place, at kahit naman ilang beses na kaming nagkita at nagkausap, kinakabahan parin ako.

I have to say, masaya ako ngayong pasko. Kasi after 3 years, may kasama na ulit ako sa pagcecelebrate. Nakakasawa naman yung pagkain ko ng noodles tuwing Christmas ano. Atleast now, I have someone to celebrate with and that someone is the girl that I love.

7pm ang alis namin ni Michaela, it's already 6 in the evening so I decided to prep myself for later.

Pagkatapos kong maligo at magtoothbrush, sinuot ko na yung damit na pinili ni Michaela. Dinemand niya talaga na yun ang isuot ko, yung longsleeves na striped haha. Nagsuot nga lang ako ng black jacket since malamig na. I did the same, dinemand ko rin na yung brown and white dress ang isuot niya.

7pm, kinatok ko na si Michaela.

Binuksan naman niya agad yung pinto and wow, my baby looks flawless. Naka puyod ngayon yung buhok niya, and I can clearly see her beautiful face.

"Explain this to tita! Hahaha, come on." I just smiled and I nodded in response. Humawak na siya sa arm ko at naglakad na kami papunta sa kotse ko.

Tiningnan ko lang si Michaela habang naglalakad kami, she's so beautiful. How I wish I can keep her.

Nasa kotse na kami ngayon, nagdidrive na ako papunta sa bahay ni tita Marinella.

"You know, Jade liked my gift." sabi niya.

Napatingin ako sakanya tapos nginitian ko siya then binalik ko na yung tingin ko sa unahan.

"I told you. Anong sabi ni Jade?" tanong ko habang nagdidrive.

"She said that she likes the cover and she might enjoy reading it." napangiti nalang ako dun. Ang galing ko talagang pumili ng regalo haha kidding.

The whole ride, nagkekwento lang si Michaela sa nangyaring gift giving nilang magkakaberks kaninang umaga. She told me na binigyan daw siya ni Chez ng make up kit, then si Tori naman daw ay binigyan siya ng isang summer dress, binigyan daw siya ni Harper ng chanel na bag, at si Jade naman daw ay bracelet ang binigay. Sayang saya siya habang nagkekwento, napapangiti rin tuloy ako.

"Oh. We're here." tinigil ko yung kotse then bumaba na ako. Pinagbuksan ko ng pinto si Michaela at niyaya ko na siya papasok sa bahay.

"Uy, medyo kinakabahan ako." bulong ko.

Inirapan naman niya ako tapos hinampas niya ng mahina ang balikat ko.

"Really? My tita super duper likes you, bakit ka pa kakabahan?" medyo natatawa niyang tanong.

I cleared my throat then I answered her.

"What if I messed up tonight? Baka biglang umayaw sakin si tita."

She playfully rolled her eyes then yung likod ko naman ang hinampas niya.

"Wag ka nalang kabahan! Your lies were so flawless during the first meet-up, I'm pretty sure kaya mo pa rin yun." sabi niya tapos bumitaw siya sa pagkakahawak sakin.

Napatingin ako sakanya.

Akala niya ba nagsisinungaling ako nun? Hindi ano, lahat ng sinabi ko nung time na yun, totoo.

Nginitian ko nalang siya at pumasok na kami sa mansyon ng tita niya.

Feel na feel talaga ang Christmas dito eh. Unang una mo kasing makikita ay ang white christmas tree na mga 7ft ang laki.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon