Chapter 40 (Full Force)

474 18 43
                                    

--

Jade's POV

Eto na! Saturday na! A'ah, antagal kong inintay na mag Sabado eh.

Dahil napaaga ang gising ko, sinaksak ko muna yung electric guitar ko at naggitara ako. Grabe, ang tagal ko nang hindi nakakatugtog! Lalo na ng piano, antagal tagal na nung huli akong nakatugtog.

Strum lang ako dun ng strum with matching headbang pa. YEAAAAH SABADO NA!!! INIP NA INIP AKO KAKAINTAY SA SABADO WAHAHAHA BUTI NALANG AT SABADO NA!!!

Ansaya mag gitara, sobra! Strum str--

"Hoy. Itigil mo nga yang paggigitara mo. Nakakabulabog ka ng kapitbahay!" -____-

Napaka epal talaga kahit kailan ni kuya! Nakakabwiset.

"Wag ka ngang mangielam" sabi ko tapos tinuloy ko na ang paggigitara, bahala siya diyan.

"Aba, mamaya sugudin tayo ng kapitbahay natin at ang ingay ingay mo!"

Nako, mahabang pangangatwiran na naman ang mangyayari samin ni kuya      -_____-

"Feel mo naman di ka maingay? Talak ka diyan ng talak, nakakasakit sa tenga." sinamaan naman niya ako ng tingin. Aba, sumbong kita kay Tori eh, inaaway mo ako.

"Mas maingay naman yang paggigitara mo!" sasagot na sana ako kaso, dumating si ate!

"Sissy, Justin. Pwede bang wag kayong maingay? It's only 7 in the morning. I am so sleepy pa, so please, keep it down. Thanks." Tapos nagbaba na ulit si Ate.

Grabe! Nasa first floor kaya ang kwarto nun, tapos abot dun ang ingay ni kuya. tsk tsk.

"Tingnan mo kuya, ang ingay mo! Abot sa kwarto ni ate ang boses mo. Umalis ka na nga!"

"Hoy Jade, di hamak na mas maingay yang paggigitara mo. Ikaw ang tumigil."

"Palibhasa, di ka maalam mag gitara!" bigla naman niyang binato sakin yung hawak niyang itim na bote. Aba, ano naman to?

Pagkasalo ko nung bote, nagsalubong agad ang kilay ko at tiningnan ko ng masama si Kuya

"Problema mo!?" tanong niya

"WALANGYA KAA!!! NANG-AASAR KA BA HA!? NANG-AASAR KA!??!? SUNTUKIN KITA EH!!! BWISET TO"

Tapos binato ko ulit sa kanya yung bote. Nasalo niya yon at tiningnan

"Paano naman kita inasar sa pambabato sayo ng deodorant ko!?"

"Ewan ko sayong lampa ka! Lumayas ka nga sa harapan ko!!!!"

Tiningnan niya ulit yung bote at humagalpak ng tawa. Bwiset nagets pa nga.

"Wahahahahahahhahaha. Yun oh! AXE nga pala ang deodorant ko bwahaha. Gusto mo pati yung mga ubos na, ibato ko sayo? Andami pang AXE na bote sa kwarto ko. Mouhahaha. Ganap na babae ka na talaga"

Sige, iemphasize mo pa yang axe. Nakakainis, naalala ko na naman yung itak.

Napairap nalang ako tapos umalis na si kuya na sobrang natawa parin. Bwiset!

Matapos ni kuyang umalis, eh inunplug ko na yung gitara ko at bumaba na para makakain ng almusal.

Pagkakain ko nung almusal na hinanda ni mama, umakyat na ako sa kwarto ko para maghanda.

Tumapat ako sa damitan ko at namili ako ng matinong damit. Aba. Kelan pa ako naging concerned sa itsura at sa isusuot ko!?

Kinalkal ko pa yung mga damit ko, bakit ganon!? Sangkaterba na nga yung maayos kong damit, wala pa rin akong mapili na maganda!? Kinuha ko nalang yung itim na longsleeves tsaka yung black na shorts.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon