Chapter 10 (Deal)

1.3K 24 1
                                    

WanderingVeronica's Note:

   Hello!! Sorry po if hindi kami nakapagupdate, exams po eh. Hahaha. Anw, eto na ang update! Enjoy! :)

--

JADE'S POV

UGH. Aray ko, ansakit ng katawan ko.

Mahulog ba naman kasi ako sa kama eh -____-

Anong oras na ba?? 11:52am. Nyay. Napahaba ang tulog ko, buti Friday.

Wala kasi akong pasok tuwing friday!! Mehehehehe.

Bumaba na ako para kumain, pero nakasalubong ko si mama.

"Nak, mag-ayos ka ng sarili mo. Pupunta kasi dito si Mr. Wilson, kasama yung pati yung anak niya. Bilis! Maligo ka na!! Magtoothbrush ka pati."  Lagi nalang kapag kakain ako, naepal tong nanay ko -___- walanjo.

Edi ayon! Naligo ako, nagtoothbrush at nagbihis. Bwiset, gutom na ako.

Bakit ba kasi pupunta dito si Mr. Wilson!!?!?? Isasama pa yung anak niya ha! Pwede namang siya nalang ang magpunta -____- Ampwet lang tal----- O_______O

SI MR. WILSON NGA PALA ANG BUSINESS PARTNER NI MAMA! AT ANG ANAK NUN AY SI AXEL. IBIG SABIHIN, PUPUNTA DITO SA BAHAY YUNG ITAK NA YON!!??!? PWET LANG, WAG NAMAN OOH.

"MAMA! MAMA!"  Sigaw ko habang tatakbo akong bumaba sa hagdan. Aba, kakausapin ko yang nanay ko.

"Oh Jade, bakit?" kalmadong sabi ni mama.

"Yung anak ba ni Mr. Wilson na kasama niya ngayon ay si Axel?" sana po hindeeee, diba sabi nama nila Harper, may kapatid na babae si Axel huhuhu Lord, yun nalang po ang pumunta dito, wag na si itak pleaaaase.

Ngumiti naman ng nakakaloko. Anobanamanyan?

"Kilala mo na pala siya! Ahihihi. Meant to be kayo :">"  Yuck. Yuck.Yuck. Huhuhu, alam kong sobrang makasalanan ako, pero bakit naman pupunta si Axel dito huhu.

Bigla namang sumingit yung kapatid ko sa usapan.

"Oh! Kaya pala nagtatanong ka nung isang linggo kung naniniwala ako sa destiny." a'ah. Sobrang nakakasira ng dangal yung pagtatanong ko na yun kay kuya. Napaka bobotic ko talaga -____-

"Magtigil ka nga kuya! Baka gusto mong yang kabilang mata mo ang magkablack eye!!!!"

"Tumigil ka rin Jade, baka gusto mong kalahati nalang ang allowance mo hanggang next sem" aba, binablackmail ako netong nanay ko ah         -____-  oo na, titigil na ako. Bibili pa ako ng album ni Taylor, dapat may pera ako!

Umupo ako sa sofa katabi ni kuya, na nakangiti ng panget -____-

Maya maya, may nagdoor bell

"Ooooh. Andyan na sila ^_____^" Binuksan ni mama ang pinto at ayun nga, tumambad ang mukha nila Mr. Wilson at ni Axel -___-

"Hi Jake! Hi Axe! Come in."  ancute naman ng pangalan ng tatay ni Axel, parang yung aso lang ni Finn sa Adventure Time hehehehe.

Pumasok yung dalawa sa bahay at pinakilala kami ni mama dun sa dalawa. Jusme -____-

"Jake, this is my daughter, Jade. Siya yung nasa party nung minsan." sabi ng nanay ko.

ngumiti naman si Jake.

"Ah yes, the camping girl. Nice to see you again hija." nginitian ko nalang siya, masyado akong gutom para magsalita!

"This is my son, Justin." sabi ni mama, nakipagshake hands naman si kuya. yes nemen.

"Oh, this is Axe Wilson, my son"  sabi ni Jake, nakipagshake hands din si kuya kay Axel, ako naman naupo nalang ako sa sofa. ugh, gutooom na akooo.

Closed Doors (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon