Chapter Two

3.5K 142 12
                                    

Halos hindi na ko nakatulog ng ayos. Bukod sa hindi ako pinatulog ng babaeng 'yon dahil sa ginawa niya ang aga pang mambulabog ng mga siraulong 'to.

Para silang mga baliw na nakaabang sa may pinto ng kwarto ni Ralph at nakadikit ang mga tenga doon.

Seriously. Kaibigan ko ba talaga sila?

Kalalaking mga tao, napakachi-chismoso.

Si Jhope gusto malaman kung EX ba daw ni Ralph yung babae, si Jimin curious daw kasi ngayon lang umasta ng ganon si Ralph, si Jin gusto lang din makiusisa at etong si V gusto malaman kung ano hitsura at sino yung babae. He don't get the chance to see the girl's face kasi tinago siyang maigi ni Ralph para maiiwas sa mga kumuha ng pictures at videos.

Si Suga, eto katabi ko sa upuan. Iisipin ko na sanang hindi siya interesado but the thing is kasama siya sa pagpunta dito ng ganito kaaga. If he's really not interested to that girl hindi na yan sasama at sa halip ay tutulog lang.

"Ang tagal naman nila lumabas." Inip na sabi ni V.

"Sa tingin mo naka-score si Ralph?"-Jhope.

" Sana, para sa wakas nabinyagan na din siya. Eto na lang si Jungkookie po-problemahin natin." Segunda pa ni Jimin.

"Kung mag-ex sila nagkabalikan na kaya sila?"-JHope.

Mga tukmol.

Tumunog ang cellphone ni V, halos mamutla naman siya ng makita kung kanino galing ang tawag.

"Manager Han.."

Patay.

Patay sila.

Sila lang, hindi naman ako kasama kagabi e.

Sinenyasan ni V si Suga para samahan siyang kausapin si Manager. Sumunod naman ito sa kanya labas.

Imagining him right now, nagpapanting na ilong at tenga non sa galit.

Laman na sila ng mga TV News at No.1 trending topic pa ng mga netizens.

Hindi na bago samin ang mga ganito, madali lang naman magpalusot sa press. The only problem we have is Manager Han.

Bahala na. Sama-sama na kami. Damay damay na kumabaga.

Napatingin ako 'don sa t-shirt ko na nasa basurahan. Nag-flashback bigla lahat ng nangyari kagabi.

Hindi ako makapaniwalang sinukahan niya ko. "Aish." Naramdaman kong medyo sumakit ulo.

Magkakasakit ata ulit ako dahil sa babaeng 'yon.

Napabalikwas ang mga chismoso ng biglang bumukas ang pinto. Kanya-kanya silang hanap ng mapu-pwestuhan. Muntik pang masubsob si Jimin dahil sa pagkataranta.

Pretending they're not doing anything when they was actually doing something.

Unang lumabas si Ralph in his usual sleeping attire. Kasunod naman niya 'yung babae na nakasuot lang ng mahabang t-shirt na puti.

Halatang nagulat siya ng makita kami.

Biglang naging awkward ang paligid.

"Iwan niyo muna kami, I just need to talk to her."

Medyo disappointed yung mga kumag pero sinunod din naman nila si Ralph. Hindi na rin naman kami makakaangal kapag ito ang nag-utos. Lumabas na sila at ako naman tumayo para pumasok na sa kwarto ko.

Mukhang makakatulog na ko ng ayos.

"JK ikaw din, sumama ka muna sa kanila." Napatigil ako sa sinabi ni Ralph.

BOOK 1: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon