~Rosé's POV~"AAAAAAAAAAAAAH!"
Oh jusko! Lupa lamunin mo na ko ng buhay please. Napayuko ako dahil sa kahihiyan ng magtilian pareho si Jennie at Jisoo.
Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang estudyante.
Nandito kami ngayon sa University Canteen para mag-lunch. Ayoko sana talaga pumunta dito kung hindi lang ako pinilit nitong dalawa. I try to hide that I'm godamn fine but this two notice that I am hiding something. Pinilit nila ako magkwento kung ano ba daw problema ko. Dahil ang kulit nila at ayaw paawat, nabanggit ko ang nangyari noong isang gabi sa amin ni Jimin.
Napasubsob ako sa lamesa ng maalala ko na naman 'yon. What is so wrong with you Roseanne Faith? Dapat hindi ka magpa-apekto sa kumag na 'yon.
Pero nakakainis! Hindi siya mawala sa isip ko.
"Oh em gee. Mabuti hindi mo ni-rape 'yon." Sabay tawa nilang dalawa ni Jennie. At ako pa talaga?
Minsan iniisip ko kung bakit ko ba naging kaibigan ang mga 'to.
"Dapat mag-celebrate tayo dahil finally nakahawak si Rosé ng abs!" At tumawa na naman sila.
See? Mga takas po kasi talaga sa Mental.
"Waaaaah. Ayoko na" tumingin tingin ako sa palagid. Baka mamaya bigla na lang sumulpot 'yon dito sa canteen. Aish. Alam ko nandito na ulit sila sa BBU e. Malaki naman ang University so sa tingin ko hindi naman kami magkikita. Sana.
"Di ba member ng BTS Kuya mo?" Biglang tanong ni Jisoo. Tinanguan ko naman siya bilang sagot.
"Bakit mo naitanong? Don't tell me may gusto ka kay Jin?"-Jennie.
Hinampas siya ni Jisoo sa braso " Baliw ka, BTS kasi ang sunod na issue na gagawin ng CONCEPT e i-interview-in namin sila.I need some infos you know" sabay irap kay Jennie.
"Oo na oo na. Makahampas 'to." Sabay pout naman nung isa.
Sinimulan akong interview-in ni Jisoo about kay Kuya. Binanggit ko lahat ng alam ko pati mga kalokohan na nagawa niya dati. Mas lalo kaming pinagtitinginan dahil magiyak ngiyak na sa pagtawa 'yung dalawa.
Kasalanan niya kung bakit napapunta sa kwarto ko ang Jimin na 'yon kaya bilang ganti ipagkakalat ko ang mga lihim niyang sikreto. Hindi naman siguro ilalagay ni Jisoo yon sa article niya.
She also ask me about the other members pero wala ako maisagot. I just know them pero hindi ko sila ganon ka-close.
Natigil kami sa pag-uusap ng tumunog ang BBNC (Black Bangtan News Channel) chant. It's the afternoon news for today. Well, may sarili kasing FM Station at TV Station sa loob ng BBU. Para sa mga Communication Arts students. Dahil nga maraming artista sa BBU lahat ng binabalita sa loob ng campus ay hanggang dito lang, hindi siya pwedeng lumabas dahil once na ma-trace ka na may inilabas na anything about the students, artist or not, automatically expelled na at magbabayad ng multa. That was all included in our Student Handbook.
Maybe that's also one reason why many of the artists live inside the campus sure na sure kasi ang safetiness nila.
Halos lahat nakatingin sa mga flat screen TV sa bawat sulok ng canteen. Ang alam ko galing din sa publication nina Jisoo ang mga binabalita sa BBNC.
Unang binalita ang tungkol sa paparating na University Music Festival na gaganapin this August.
Ang sunod ay ang bagong girl group na ipo-produce ng YG Entertainment. Nagkaroon ng excitement sa mga tao na nanonood. It's not new to anyone na mapili ang YG kaya nakaka-excite talaga malaman na may mga napili sila sa BBU.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Stay With Me
Fanfiction"In this world full of lies my only truth is you." - Lalice Fuego 💕