Chapter Forty Five

1.1K 57 30
                                    

-Lisa's Point of View-

Nagising ako sa pamilyar na lugar at isang pamilyar na amoy din ng Lavender ang pumasok sa ilong ko. Dahan-dahan akong bumangon at ramdam na ramdam ko pa din and sakit sa may dibdib ko. Sumandal ako habang nakangiwi dahil biglang gumihit sa buong upper body ko ang sakit.

Saglit na umangat ang likod ko. Inangat ko ng bahagya ang t-shirt ko at napansin na pulang-pulang ang buong dibdib ko. Maybe because the wound is still not purely healed.

Ibinaba ko na ang tshirt ko at umayos ng upo. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwarto namin ni Jisoo. Lavender scent surround the entire room. Yun kasi ang paboritong air freshener ni Jisoo.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko lahat ng nangyari. I brought danger to Allen's life at muntik na 'kong mamatay 'causing everyone to worry about me.

Bakit kahit ayokong may madamay na iba sa nangyayari sa buhay ko nangyayari pa rin? Sana kaya kong makontrol lahat ng 'to. Sana kayang kong pigilan lahat ng masasamang pwedeng mangyari. Sana man lang may magawa ako. So that I won't cause any worries or trouble to them, again.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya naman napa-angat ang ulo ko.

The moment Taehyung entered ay nagtama ang mata namin. Tipid kaming ngumiti sa isa't isa bago niya isinara muli ang pinto.

Ipinatong niya ang dala niyang supot sa study table at may kinuha doon. It's a dry fruit salad in a container na sa tingin ko ay sa University Canteen niya binili dahil I once saw Rosé bought that kind of food before.

Naupo siya sa gilid ng kama ko at binuksan  ang hawak niya. Inabot niya ito at ang tinidor sa akin at kinuha ko naman iyon. "Salamat." Tipid na sabi ko.

"Nakain lang sina Ralph. Si Jennie at Jisoo naman may exam. Si Rosé kinukuha 'yung pinapakuha mo sa locker mo. Saglit lang nandito na din yung mga 'yon." Pagbasag niya sa katahimikan habang binubuksan ang isa pang container na palabok naman ang laman.

Nakiusap kasi ako kanina kay Rosé bago ako nakatulog na kunin 'yung kwintas ko sa ibabaw ng locker na nakalimutan ko. That's a very important necklace to me at sana walang nakakuhang iba.

I just nod at him habang dahan-dahang nginunguya ang hiwa ng mansanas sa bibig ko. Nagsimula na din kumain si Taehyung at habang kumakain ito ay pinapanood ko lamang siya.

Halatang halata sa mukha niya na wala pa siyang tulog. Siguradong ganun din ang iba. Medyo nag-aalala ako kina Jisoo at Jennie they stayed up late last night taking care of me tapos may exam pala sila. I feel really guilty.

Napayuko ako napatigil sa pagkain. Napahawak pa ako ng mahigpit sa kumot na nakataklob sa mga binti ko.

Ramdam kong napansin ni V ang pag-iiba ng mood ko. Ipinatong niya sa lamesa ang hawak niya. Then I feel his hand touches mine.

"Don't ever feel sorry okay? Wala kang kasalan. We are ALL willing to take care of you. I know you Lisa. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano." Sabi niya sa akin.

Kilalang-kilala niya talaga ako. Alam na alam niya kung paano tumatakbo ang isip ko.

I think he's just trying to lessen the burden in my chest.

He let go of my hand and smiled at me. I tried to smile back but I can't kaya naman nag-focus na lang ulit ako sa pagkain at ganon din siya.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Okay lang naman." Tipid na sagot kahit ang totoo ay sobrang hapdi pa din ng sugat ko.

Pinipilit ko lang ipakita na hindi ako nahihirapan kumain ngayon kahit na sa bawat pag-angat ng braso knaapektuhan kalahati ang katawan ko ang naapektuha. Alam ko kasing mag-aalala na naman siya ng sobra. At kapag nag-alala siya. He will surely get mad.

BOOK 1: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon