~Jennie's POV~
Nagkakaroon ng kaguluhan sa BBU ngayon dahil sa natagpuan bangkay malapit sa campus. Everyone's worried about their safety.
Na-alarma agad ang University kaya naman nagkaroon ng emergency meeting ang campus staffs kaya kanselado ang klase ngayong araw.
"Rosé iwasan mo muna umuwi ng gabi ha. Delikado lalo pa't may ganitong nangyari." Bilin ni Jisoo dito. Magkakasama kami ngayon dito sa classroom ni Rosé, pinuntahan namin siya ni Jisoo right after ma-dismiss ang klase.
Tumango siya bilang sang-ayon dito. It's the first time na may nangyaring ganitong insidente sa BBU kaya dapat na mag-ingat lahat. Not only Rosé pero pati na rin kami.
"Para kang si Kuya, ganan na ganan din sinabi niya sa akin."
"Syempre, pareho lang kaming nag-aalala para sayo no."
"Owkay." Sabay ngiti ni Rosé.
"Ano namang ngiti 'yan Castillo." Puna ko. Alam ko may meaning 'yang mga ngiti n'yang ganan e.
"Si Kuya kasi," napatigil siya sandali dahil pinipigilan niya ang ngiti niya. "Sabi niya ang ganda ni Jisoo."
Nagulat ako sa sinabi niya at agad napatingin kay Jisoo na halata mong gulat na gulat.
Natawa ako na kinilig na ewan. "Naks! Haba ng hair!" Sabay sundot ko sa tagiliran niya.
Jin knows Jisoo, nakilala na niya 'to one time na pumunta kami sa kanila. But the two don't get the chance to talk kasi palagi namang wala si Jin e. The first time na nagkausap sila is nung photoshoot.
First time ko atang marinig na may sinabihang maganda si Jin. At si Jisoo pa.
In all honesty, maganda naman talaga si Jisoo. In fact maraming endorsement offers sa kanya pero hindi niya tinatanggap. Palagi niyang dahilan na ayaw niya na masyadong ma-expose ang beauty niya.
But if you'll ask me? Ayaw niya kasi mahiyain siya. Walanghiya lang naman kasi yan kapag kami ang kasama.
"Sabihin mo sa Kuya mo matagal na kong maganda." Sabi pa nito na may pag-flick pa ng buhok niya. See? Sa amin niya lang kayang sabihin yan.
"Kilig ka naman?"
Bigla siyang namula at napahawak sa mga pisngi niya. Hahaha! Kinilig nga! Tumawa kami ni Rosé sa kalandian nitong si Jisoo.
"Paano kung liligawan ni Jin si Jisoo payag ka Rosé?" Tanong ko.
"E mukhang hindi naman magpapaligaw si Jisoo. Baka magulat na nga lang ako sila na agad ni Kuya." I laugh again to what she replied. May tendency nga na ganon ang mangyari.
"Anong tingin niyo sakin? Easy to get?" Sabay irap samin ni Jisoo.
"Bakit? Hindi ba?" We both answered.
Jisoo pouted at kita sa mukha niya na napipikon na siya kaya mas lalo kaming natawa ni Rosé.
Natigil kami sa pagtawa ng biglang pumasok ang isang grupo ng mga babae. Mga kaklase siguro ni Rosé. Namukhaan ko pa 'yung isa sa kanila. Isa 'yon sa mga kabarkada ni Ayesha.
Sa lakas ng mga boses nila narinig namin ang pinag-uusapan nila.
"Yeah, nakita ko din 'yon. Sabi nila dinala daw sa clinic ni Jungkook."
"Close ata siya sa BTS."
"Kanina lang sabay sila pumasok ni Jungkook e."
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Stay With Me
Fanfiction"In this world full of lies my only truth is you." - Lalice Fuego 💕