~Lisa's POV~
"Bilisan mo baka ma-late ka!" Napairap ako sa kawalan dahil pagka-oa ni Jisoo.
Nakasakay kami sa elevator pababa ng dorm. Bumukas ang pinto at hila-hila niya ako sa kamay paglabas papunta sa parking lot ng campus kung nasaan ang mga bus na sasakyan namin. Kasunod namin sina Rosé at Jennie na bitbit ang mga gamit ko.
Hindi ako makapaniwalang ginising nila ako at sapalitang pinaligo at pinag-ayos para sumama sa lintek na Team Building na 'to.
Himbing na himbing akong natutulog kanina ng bigla na lang may humigit ng kumot ko. Minulat ko ang mga mata ko sa inis dahil sa nang-istorbo sa masarap kong tulog at bumungad sa akin ang pagmumukha nilang tatlo na nakatayo sa may gilid ng kama.
Nagtaklob ako ng unan sa mukha dahil gusto ko pang matulog pero hinigit nila ako patayo at itinulak sa banyo.
Hindi ako makapaniwalang pinagtulungan nila ako. Wala naman akong nagawa kasi tatlo sila at nag-iisa lang ako.
"Bitiwan mo na nga ako." Iritang sabi ko sa kanya ng makarating kami sa parking lot. Nakakainis! Sabi ng ayoko sumama e!
"Ang arte. Nandito ka na kaya bawal mag-back out!" Aniya na nakaharap sa akin ng naka-pameywang.
May magagawa pa ba ko? As if I have a choice.
Sinamaan ko ng tingin si Jennie at Rosé na tinatawanan pa ako. Tinalikuran ko silang tatlo kasi agang-aga nabubwisit ako sa mga hitsura nila.
Pagtingin ko paparating si Gizelle na tumatakbo sa direksyon ko.
"LISAAAAAAAAA!" Salubong niya sa akin sabay yakap ng sobrang higpit. "Mabuti naman nagbago isip mo!" Tuwang tuwa niyang sabi habang nakayakap sa akin.
Tiningnan ko si Jisoo na nakangiti sa akin ng nakakaasar. I smirk. "Napilitan lang ako."
"Okay lang! Basta kasama ka!" Gizelle smiled at me widely. Yung ngiting halos abot hanggang tenga. Sobrang saya niya na kasama ako.
Napatigil kami sa pag-uusap ng makita namin si Jungkook na parating. Kasama si Kuya Ralph at ang iba pa.
"Good morning!" Masayang bati ni Jhope sa aming lahat.
Nagkatinginan kami ni JK pero iniwas niya din agad ang tingin niya sa akin. I suddenly felt annoyed again. Ano bang problema niya? Napapikit ako bigla. Agang-aga iniinis ako ng mga tao dito.
"Oh bakit nakasimangot 'yan?" Tanong ni Jennie ng mapansin na nakasimangot si JK.
Bigla itong inakbayan ni Jin. " Sabi kasi namin ihahatid namin siya dito. Pero ang bunso namin ayaw. Palibhasa binata na kaya nahihiya na." Kantyaw niya dito na sinundan pa nina Taehyung ng tawa.
"Hyung!" Saway ni JK. Kitang-kita mo pa na namula tenga niya dahil sa hiya. Jin just laughed at him at ginulo ang buhok niya.
After teasing him. Jin let go of him while he put a black face mask on.
I don't know what we are waiting for but we stood there for a couple of minutes. Kausap nina Rosé si Gizelle at mukhang nag-eenjoy naman sila. The other boys are also chatting except kay JK na nakatayo lang at pinapanood sila.
Suddenly the wind blows and I felt chills run into my body. Sa pagmamadali sa akin ni Jisoo hindi ko na pinansin kung anong madampot kong damit. Naglongsleeve na lang akong puti at ripped shorts na above the knee at pares ng timberland na light brown. Nawala sa isip ko na 6 am pa lang kaya malamang sobrang lamig.
Huli na para magsisi pero sana pala pantalon na lang sinuot ko. Aish.
While I was enduring the cold biglang lumapit sa akin si Jimin at Kuya Ralph.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Stay With Me
Fanfiction"In this world full of lies my only truth is you." - Lalice Fuego 💕