"Lisa! Don't get too far okay?!" Sigaw ng Mommy ni Lisa habang nagtatakbo siya papunta sa dalampasigan.
"Opo mommy!" Sigaw pabalik ng batang si Lisa na noon ay pitong taong gulang pa lamang.
Agad na hinubad ni Lisa ang sandals niya at naglaro sa dalampasigan habang humahampas ang kalmadong alon sa paa niya.
Bitbit ang isang maliit na timba ay dinampot niya ang bawat shell na makita niya at inilalagay iyon dito.
Nakasanayan na kasi niya na sa tuwing pupunta sila sa Beach House nila sa Batangas ay mamumulot siya ng mga shell. Nagpaparamihan kasi sila ni Ralph na kumuha ng mga shells at kung sinong may pinakamadaming makukuha ay manlilibre ng ice cream.
Kaya naman habang nagkakasiyahan ang mga magulang nila ay busy sila ni Ralph sa pamumulat. Siya sa kabilang parte at si Ralph naman sa kabila.
Naglakad pa palayo si Lisa dahil iilan ang nakikita niyang shells ng biglang liparin ng hangin ang sumbrero niya.
Nabitawan niya ang hawak niyang timba at hinabol ang saklob na patuloy na tinatangay ng hangin.
"Uy sandali lang!" She called the hat as if it will stop but the wind is too strong that it keeps on blowing it away.
Nagtatakbo siya hanggang sa maipit sa pagitan ng dalawang bato ang sumbrero niya.
"Gotcha~" aniya pagkadampot nito. She look around and found out na nasa pinakadulong parte na siya ng beach.
She was about to go back when she heard a music playing above her. May malaking rock formation kasi sa dulo ng beach na nagsisilbing harang sa beach na pagmamay-ari nila at ng isa pang private beach.
Pinakinggan niya ulit ang tugtog pero tumigil din agad 'yon. Humarap siya sa malaking rock formation at tumingin sa taas. Hanggang sa maramdaman niyang may parang maliit na bato na tumama sa noo niya.
"Aww." Mahinang daing niya. Napapikit siya at napakamot sa noo habang nakanguso. Napatigil siya ng maaninag niya sa may paanan ang akala niyang bato na tumama sa noo niya. Dinampot niya at tiningnan. Isang kwintas na may pendant na hugis araw at may maliit na bato sa may ibabang parte.
"Bata! Akin yan!" Napatingala siya sa itaas ng biglang may isang batang lalaki na sumigaw.
Tumingin siya dito at sabay tingin din sa kwintas at biglang nagtatakbo.
"Hoy bata!" Sigaw pa nito kanya habang tumakbo siya sa may kabilang side. Akala siguro nito ay kukunin niya ang kwintas pero ang totoo ay pinuntahan niya ito sa may itaas gamit ang daan papunta dito.
Maganda kasing sight seeing place ang taas ng rock formation kaya nagpagawa ang Daddy niya ng daan papunta sa taas.
"Eto oh." Bungad niya pagkasalubong niya sa batang lalaki. Agad naman nitong kinuha ang kwintas at iniligay sa bulsa.
"Salamat. Akala ko tinakbuhan mo na ako e." Natatawang sabi niya. Nginitian naman siya ni Lisa.
Napansin ni Lisa ang maliit na speaker at cellphone na nakalapag sa may likod nito. Mukhang dito din nanggaling yung tunog na naririnig niya kanina.
"Anong ginagawa mo dito?" Inosenteng tanong niya.
"Ah ako? Nagpapractice akong sayaw para sa talent show namin." Napatango naman si Lisa.
Inalok siya ng batang lalaki na samahan muna siya sandali at pumayag din naman si Lisa. Nakaupo sila sa may gilid habang nakatingin sa dagat. Nagkwentuhan sila at nagtanong ng ilang bagay na tungkol sa sarili nila.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Stay With Me
Fanfiction"In this world full of lies my only truth is you." - Lalice Fuego 💕