-Gizelle's Point of View-
Napahawak ako ng mahigpit kay Lisa dahil sa sakit habang bumabaon sa kalamnan ko ang karayom. It was my 12th injection for this day at hindi ko alam kung gaano pa kadami ang mga susunod kong turok.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"I am fine, don't worry I am used to it." I have undergone lot of treatments since I was a kid. Sa tagal ko ng natuturukan ng iba't ibang size ng karayom. Kayang kaya ko ng tiisin ang sakit na dulot nito.
She smiled bitterly before she nods. Inalalayan niya ko sa paghiga at inayos ang mga unan sa paligid ko.
"Why are you still here? May klase ka pa ah. Ayokong uma-absent ka dahil sakin." Sabi ko sa kanya. She should be at BBU not in this hospital, not in this room.
"Wala na namang klase, everyone's busy for the holloween party tomorrow," aniya. Napadako ang tingin namin sa kalendaryo na nasa dingding at noon ko lang napagtanto na katapusan na pala ng buwan.
Bilis ng araw. Halos mag-iisang buwan na din pala ako dito.
I look at her. She look so stressed. Medyo pumayat din siya. Hindi ko alam kung nakakapagpahinga pa ba siya. Sa halip kasi na sa dormitory hotel ang diretso niya kada awas o kaya kapag walang klase nandito siya, binabantayan at inaalagaan ako.
"Um-attend ka ng Halloween Party ha. Dapat nandon ka." Sabi ko.
Dinampot niya ang orange sa may bedside table at tinalupan iyon.
"Hindi naman ako kailangan don. Dito na lang ako. Babantayan kita." Tumigil siya sandali sa ginagawa niya para tingnan at ngitian ako.
"Tsaka wala naman kayo ni JK don. Di din ako mage-enjoy." Dugtong niya pa sabay tuloy sa pagbabalat.
Nasa tour pa din nga pala ang BTS.
"Nandon naman sina Ros¨¦ ah."
Umiling siya "I don't think so. I think something's up with the three of them. Ang tahimik sa dormitory hotel nitong mga nakaraang araw e." Iniligay niya sa isang platito ang binalatan at pinaghiwa-hiwalay niyang orange at ibinigay sa akin.
I just look at her.
It must've been hard for her.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Lisa, thank you. For taking care of me."
Alam ko sobrang hirap ng pinagdaraanan niya. Pero nandito pa rin siya, inaalagaan ako.
"I should be the one saying Thank you to you. Ikaw lang yung unang tao na nag-offer bilang maging kaibigan ko. Thank you Gizelle."
Napangiti ako.
Napangiti ako dahil siya lang din yung una kong naging kaibigan. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagpapahalaga sayo.
"Gizelle.." May pumatak na luha sa mata niya pero agad niya din iyong pinunasan.
"Can you do me a favor? Please.." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Nasabi na sakin ni Mama mo yung tungkol sa heart transplant mo. Can you do it for me? Please.." Her voice is shaking. At tuloy tuloy na yung luha sa mata niya.
Umiiyak na naman siya. Dahil sakin.
"Lisa. I'm so..rry." Bulong ko. Hindi ko kayang magsalita ng ayos dahil pati ako umiiyak na din.
"Please, it's not just a favor. Pero nagmamakaawa ako sayo. Alam ko pagod na pagod ka na. Alam ko hirap na hirap ka na. Pero sa huling pagkakataon. Sana lumaban ka. Kahit hindi para sakin. Kung hindi para sa mommy and daddy mo."
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Stay With Me
Fiksi Penggemar"In this world full of lies my only truth is you." - Lalice Fuego 💕