Chapter Fifty Three

257 5 2
                                    

-ROSÈ'S POINT OF VIEW-

Napasandal ako couch. Nakatitig lang ako sa kisame. Nakakapanibago ang tahimik ng room na ito kapag wala silang tatlo.

Hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si Lisa, sabi ni Tito Patrick hayaan daw muna namin siya dahil hanggang ngayon paniguradong hindi niya pa rin natatanggap ang mga nalaman niya.

Ibang klase talaga ang tadhana.

Pero nakakahanga ang lakas ng loob na meron si Lisa. If I would be her, I don't think I can survive on my own without my parents ang Kuya Jinn.

She's really an amazing person.

Naistorbo ang pagmumuni muni ko ng biglang magvibrate ang phone ko.

Si mom natawag.

"Hi mom."

"Ano oras ka uuwi? Pauwi na Kuya Jinn mo. Nandito kami sa bahay ng dad mo, let's have dinner together."

Napangiti naman ako. "I'll be there before dinner mom. " Ngayon na lang ulit kami mag dinner ng magkakasama.

"Okay, see you honey. I love you."

"I love you too Mom." Then I hang up.

Tumayo na ko at pumasok sa kwarto. Di ko rin alam kung bat di ako umuwi e Linggo naman.

Kumuha ako ng mga damit sa closet at napatingin ako sa phone ko ng mag rinh ulit yon.

Si Jimin.

"Hey beautiful." Sambit niya agad pagkasagot ko ng phone.

"Hey, kaka-land niyo lang?"

"Yeah, I called kasi baka di kita mapuntahan agad, may family dinner kami e birthday ng lolo ko."

"It's  okay, may family dinner din kami e."

"Okay sige. Then I'll see you tomorrow? How about a dinner date?"

"Umm, sure basta may pasalubong ka sakin e hahaha."

"Oo naman. Sobraaaang dami nga e." At sabay kaming napatawa.

"Okay I'll see then." Then I hang up.

A smile is plastered in face as I walk inside the bathroom.

I missed him so bad. Sa wakas magkikita na ulit kami.

Pagkatapos ko maligo at mag-ayos ay umalis na ko ng BBU.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa may kusina kung saan naamoy ko na ang luto ni Mommy.

Pero napatigil ako ng marinig ko silang nag-uusap.

"Hindi ko kaya John." Naiiyak na sabi niya sa Daddy.

"We've kept this for a long time Hon, it's time na malaman ni Rosé ang totoo."

Sinasabi ng utak ko na umalis na ko pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Paano kung iwan niya tayo kapag nalaman niyang hindi natin siya tunay na anak."

Nabitawan ko ang bag ko at napahawak sa bibig ko.

Napatingin sila pareho sakin.

"Faith?" Napalingon ako sa likod ng makita si Kuya Jinn na nakatayo sa likod ko katabi ang mga maleta niya niya.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Hindi nila ako tunay na anak?

Tuloy tuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Walang lumabas na mga salita sa bibig ko lahit maraming tanong sa utak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOOK 1: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon